Chapter Five – Cousin’s Wedding
“Hello, Ate Bella!” boses ni Mary sa kabilang linya.
“Hello, Mary! Nasan ka ba? Kanina pa kita hinahanap.”
“Nandito ako kina Tita Nita. Sa bahay ng Mama ni Kuya Edward.”
“Ha? Nandyan ba siya?”
“Oo, Ate. Nandito siya. Alam mo ba na inubos niya ang isang piling ng saging. Ang takaw-takaw niya, di man lang ako binigyan,” nagmamaktol na sabi niya.
“Baka naman di ka nanghingi.”
“Kahit na. Para siyang unggoy.”
“Mary, wag naman. Ang gwapo-gwapo ng Kuya Edward mo, di ba?”
“Uy, si Ate, crush talaga si Kuya,” tukso niya.
“Mary, ano ba? Baka marinig ka niya. Secret lang natin yon, di ba?” saway ko.
“Ate, di niya ako naririnig. Nanonood siya ng TV.”
“Umuwi ka na nga. Baka madulas ka pa sa kanya. Nakakahiya.”
“Okay. Sige na, uuwi na po ako. Bye.”
Hay, ang kulit talaga ng pinsan kong si Mary. Grade five lang kasi kaya isip bata pa rin. Di niya alam na dapat di sinasabi sa lalaki na may crush ang babae. Nakakahiya talaga.
____________
“Hello! Nandyan ba si Rhian?” boses ng nasa kabilang linya.
“Ay, sorry. Walang Rhian na nakatira dito,” sagot ko.
“Nanloloko lang yan, Ate. Kanina pa may tumatawag dito, di naman sumasagot pag naghe-hello ako,” sigaw ng kapatid kong si Rey.
Tiningnan ko lang siya nang masama. May kutob ako na kilala ko ang tumatawag kaya di ko ibinaba ang telepono.
“Ah Miss, pedeng makipagkilala?”
Kinabahan ako sa tanong niya. “Ha? A, e. Sino ka ba?”
“Ako nga pala si James.”
“James? Taga-saan ka?”
“Dito lang, malapit lang sa inyo.”
“Ha? Alam mo itong sa min?”
“Oo. Di ba may aatenand kang kasal mamayang hapon?”
Nagtaka ako bakit alam niya yon. “Oo. Bakit mo alam?”
“Pupunta rin kasi ako don mamaya.”
Napaisip ako. Di ako pedeng magkamali. Si Edward ang kausap ko.
“Ganon ba? Sige, kita na lang tayo, James.”
“Wait, pede ko bang malaman ang telephone number nyo?”
“Ha? Paano kang nakatawag dito kung di mo alam?”
“A, e niredial ko lang kasi,” natatawa niyang sagot.
Ibinigay ko sa kanya ang telephone number namin at nagpaalam na kami sa isa’t isa.
_______________
Sa simbahan, panay ang lingon ko. Hinahanap ko ang isang pamilyar na mukha subalit nabigo ako. Nang nasa reception area na kami, di ko pa rin siya makita. Medyo nalungkot ako.
“Bella, bakit ang konti ng kinain mo? Halos di nabawasan ang pinggan mo. Ang payat-payat mo na, Iha,” puna ni Tita Angie sa akin.
“Oo nga po, Mommy. Isang pandesal lang po kinakain ni Ate kapag almusal,” sabad ni Mary.
“Aba, hindi tama yan. Baka magkasakit ka nyan sa ginagawa mo. Naiintidihan ko, hanggang ngayon dinaramdam mo pa rin ang pagkamatay ng Tatay mo,” payo ni Tito George.
Ngumiti lang ako at sumubo na ng pagkain.
Maya-maya ay napansin ko na papasok ng reception area si Edward. Kinausap niya lang saglit ang Mama niya at lumabas din siya agad.
Di ko inaalis ang paningin ko sa kanya. Kaya’t nagulat ako nang tumingin siya sa kinalalagyan ko bago siya tuluyang lumabas. Namula ako sa pagkapahiya. Matapos kumain ay niyaya ko ang aking pinsang si Mary na samahan ako sa lobby ng reception area kung saan ay tanaw ang malawak na swimming pool.
“Ate Bella, ang ganda naman dito,” namamanghang sabi ni Mary.
“Oo, maganda talaga dito,” sang-ayon ko. Pero sa isang tao lang na kilalang-kilala ko ako nakatingin.
“Ate, pasok muna ako sa loob ha. Puntahan ko sina Mommy at Daddy,” paalam ni Mary.
“Sige.”
Pagkatalikod ni Mary ay siya namang pagharap ni Edward. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nagkatitigan kami. Halos walang kumukurap sa amin. Di niya inaalis ang paningin niya sa akin habang naglalakad palapit sa kinatatayuan ko. Lalo akong kinabahan ng ngumiti siya sa akin.
“Edward!” narinig kong tawag ng isa sa mga abay.
“Carlos, Pare! Kumusta?” bati niya.
Hindi pa rin ako bumibitiw ng tingin sa kanya habang nakikipag-usap siya.
Maya-maya ay nakita kong inakbayan siya ni Carlos at inaya sa park ng resort na pinagdadausan ng reception. Subalit bago sila tuluyang umalis ay nilingon niya akong muli at ngumiti nang pagkatamis-tamis.
Halos matunaw ako sa aking kinatatayuan. Ngumiti rin ako sa kanya.
“Ate, uuwi na raw tayo, sabi ni Daddy!” sigaw ni Mary.
“Ha? A, e. Sige. Tara na.”
BINABASA MO ANG
Waiting for Destiny (Complete)
FanficHe was with me and I didn't recognize him. He left and my heart went with him. Through the years I was bound by my uncertain love for him. Are we meant to be? Is he my destiny?