Epilogue - Wedding Day
Kaarawan ko noon. Hindi ako pumasok sa opisina. Darating ang mga pinsan at kaibigan ko. Maaga pa rin akong gumising. Tutulungan kong magluto si Nanay. Katatapos ko lang maligo noon nang biglang tumunog ang cellphone ko. Hindi nakaregister ang number pero sinagot ko pa rin. Baka kasi importante.
“Hello! Who’s this?”
Walang sumasagot. Ibababa ko na sana ang cellphone ko nang may nagdoorbell. Kinakabahan ako habang papunta sa pinto. Sino kaya ang dumating?
“Happy birthday, Sweetheart!”
“E-Edward?”
May inabot siya sa aking boquet at agad niya akong niyakap. Halos hindi ako makahinga sa sobrang higpit ng yakap niya. Napaluha ako sa tuwa.
“I love you, Sweetheart.”
Bumitaw siya sa pagkakayap sa akin at lumuhod sa harap ko. Kinuha niya ang kamay ko at may inilabas na kahon na alam ko na ang laman.
“Will you marry me, Sweetheart?”
Lalo akong napaiyak at di nakapagsalita. Tango lang ang naisagot ko.
Pero di nakuntento si Edward kaya’t inulit niya ang tanong niya. “Miss Bella Suarez, will you marry the handsome Edward Cruz?”
“Y-yes! I will marry you Mr. Edward Cruz!”
Isinuot niya ang singsing sa daliri ko, pagkatapos ay tumayo siya at hinalikan niya ako sa pisngi. Pinahiran niya ng panyo ang luha ko at muli niya akong niyakap.
Niyakap ko rin siya nang pagkahigpit-higpit.
“Thank you!” sabi ni Edward.
Nagulat ako nang may biglang nagpalakpakan. Hindi ko napansin na nandoon lang pala ang mga kapatid at pinsan ko, pati si Nanay.
Bigla akong nahiya kaya't inaya ko nang pumasok sa loob ng bahay si Edward. Sumunod naman sila.
“Congratulations, Ate Bella at Kuya Edward!” bati ng mga pinsan ko.
“Congratulations, Anak!" Si Nanay, sabay yakap sa akin.
Napansin kong umiiyak si Nanay pati na si Ate Anne.
“Congratulations, Bella!" Si Ate. Yumakap na rin siya sa akin.
Kinamayan naman si Edward ng mga kapatid kong lalaki at mga pinsan ko. Lahat sila ay tuwang- tuwa sa nasaksihan nila. Ako rin naman. Walang pagsidlan ang aking kasiyahan. Ito na ang pinakamasayang kaarawan ko at regalong natanggap mula kay Lord!
____________________
“Ate! Ang tagal mo namang bumaba dyan. Halika na. Mahuhuli na tayo,” sigaw ni Dan.
“Andyan na!”
Suot ang aking damit pangkasal, pinagmamasdan kong mabuti ang aking sarili sa salamin. Sa wakas, ikakasal na kami ni Edward, ang araw na aking pinakahihintay. Napakabuti ni Lord. Binigyan niya ako ng mapapangasawa na mahal na mahal ako at napakamaunawain. Sulit na sulit ang aking paghihintay.
Sa simbahan, halos di ko maintindihan ang sinasabi ng pari. Umaapaw ang kaligayahan sa aking puso.
Si Edward, hindi niya binibitiwan ang aking kanang kamay simula nang mag-umpisa ang seremonya. Napakagwapo niya sa suot niyang barong at lalong lumutang ang kanyang kakisigan.
Ang mahal ko. Kailanman ay di ko siya iiwan. Hindi ipagpapalit. Habambuhay kaming magsasama sa hirap at ginhawa.
“You may kiss the bride,” sabi ng pari.
Nang maglapat ang aming mga labi ni Edward, pakiramdam ko ay nasa alapaap ako. Di ko maipaliwanag ang kagalakang aking nararamdaman.
Nagpalakpakan at naghiyawan ang mga taong nasa loob ng simbahan. May mga sumipol pa.
Ito na ang simula ng aming pagiging isa sa harap ng Diyos at sa mundo.
-Wakas-
_________________________________________________________________
A/N:
Sana’y nagustuhan nyo ang kuwentong ito. Salamat sa walang sawang pagsubaybay. Hanggang sa muli.
BINABASA MO ANG
Waiting for Destiny (Complete)
FanfictionHe was with me and I didn't recognize him. He left and my heart went with him. Through the years I was bound by my uncertain love for him. Are we meant to be? Is he my destiny?