CHAPTER TWO

6 0 0
                                    

Naka-ngiti akong umuwi ng bahay namin noon. As usual, ang ina ko ay nakabantay na sa gate palang ng bahay namin. Masama ang tingin nito. Nakataas ang isang kilay at nakapamewang pa. Sigurado ako hinahanap na ko kanina pa. Kulang na lang siguro ang magtawag ng barangay para sa isang search operation para sa akin.

                “Saan ka na naman nanggaling ah?” matigas na tanong ni nanay. Hindi pa rin maalis ang matalim niyan tingin sa akin.

                “Galing po ko sa clinic.” sagot ko at nagmano ako sabay pasok sa bahay.

                Hindi naman ganoon kalakihan ang bahay namin. May dalawang palapag na tatama lang sa limang miyembro ng pamilya. May apat na kwarto,kusina, banyo, sala at kainan. Kumpleto sa gamit ang pamilya namin. Mula sa gamit sa kusina hanggang sa mga appliances.

                Tatlo kami magkakapatid at ako ang bunso. Ako na lang ang nag-aaral noon dahil ang dalawa kong kapatid na babae ay nasa abroad na. Doon kasama nila ang aming ama. Balak na din kami pasunurin ni mama sa abroad. Ayaw ko lang dahil mahirap ang buhay doon.

                “Ano ka mo?”tanong ni Mama.”Clinic?Napa-ano ka ah?”

                “Nahimatay lang po Ma.” Sagot ko habang binubuksan ang nakatakip na pagkain sa lamesa.

                “At bakit ka naman nahimatay?”tanong ulit.”Dahil ba sa init ng panahon? Aba, Cedric alagaan mo naman ang katawan mo.”

                Tumingin ako kay Mama. Niyakap ko siya at ngumiti.

                “Nahimatay po ko dahil sa kaba sa pag-audition sa play”sagot ko.

                Kinuwento ko ang lahat ng nangyari noon. Nakikinig naman si Mama. Nang matapos ko ang kwento ay tapos na rin akong kumain noon.

                “Well, good news iyan Cedric.”sagot ni Mama. “Kailangan natin paghandaan iyan.”

                “Matagal pa iyon Ma.”natatawang sabi ko.

                “Kahit na.”sabi nito.

                Tumayo na ko at hinalikan ko sa pisngi si Mama. Pumasok ako sa kwarto ko habang si Mama ay nangangarap na parang siya ang natanggap sa play. Napangiti ako.

                Nagbihis ako at humiga sa kama. Nakatulog din ako. Nagising din ako bandang alas-singko na ng hapon. Lumabas ako ng kwarto at naabutan ko ang nanay ko na nanonood ng drama sa telebisyon. Hindi ko na pinansin at lumabas ako ng bahay.

                Ang mga eksena sa labas ng bahay namin ay katulad din sa ordinaryong pamayanan. Naandiyan ang mga taong nagtsitsismisan na laging pinakikialaman ang buhay ng ibang tao. Nandiyan din ang mga taong may bisyo na inuubos ang pera masunod lang ang kinahihiligan. Mga taong tambay at walang direksyon sa buhay. Nandiyan din ang mga mag-asawa na laging nag-aaway sa hindi malaman na dahilan.

                Lahat ng nabanggit na iyan ay wala akong pakialam. Basta ako ay tahimik ang buhay kasama ang nanay ko. Bumili ako ng makakain at ng makauwi kumain muna ko saka ko tinuon ang pansin ko sa school bag.

                Binuksan ko iyon at isa-isa kong tinignan ang notebook ko. Napansin ko ang isang notebook na may cover na blue. Iyon ay importante sa akin. Binuksan ko iyon at tinignan.

                Bukod sa makapag-perform sa stage, ang isa ko pang pangarap ay maging isang writer. Lahat ay sinusulat ko mula sa nobela, kanta, tula at kung anu-ano pa.

                Sa librong iyon, doon ko sinusulat ang lahat ng sarili kong likha. Itinabi ko muna iyon at sinimulan ko ng mag-aral.

                Kinabukasan, lahat ng tao ay nakatingin sa akin. Nakakapag-taka dahil hindi naman ako sikat. Mahiyain pa nga ako eh. Hindi ko na natiis ang mga tingin nila sa akin kaya tumakbo na ko papunta sa klase ko kung saan sa pagpasok ko ay lahat ng kaklase ko ay napatingin sa akin.

                “Congratulation Ced!” bati ng isa kong kaklase ko na si Kenneth. Isa ito sa siga sa klase namin. Masasabi kong hindi kami close.

                “Oo nga,” sabat ng isa kong kaklase na si Abigail. “Congrats.”

                At lahat sila ay isa-isa akong binati. Hindi ko maintindihan kung bakit.

                “Teka, ano ba meron?” hindi ko na natiis na itanong.

                “You’re the star of the show,” sagot ni Raymart, ang presidente ng klase namin. “Everyone knows that you are the one who will portray the role of Romeo Montague.”

                Doon ko na ulit naalala. Ako nga pala ang napili na gumanap doon. Napangiti ako at nagpasalamat. Nahihiya man ako pero pinilit ko pa din tanggapin ang papuri nila.

                Natapos ang klase. Paglabas ko ng pinto ng kwarto namin ay nakaabang na ang mga nakangiting sin Derick, Catherine, Hannah at Jake.

                “We make sure na hindi ka aatras Cedrick Villanueva,” nakangiting sagot ni Derick.

                “Ba’t ko naman gagawin iyon?” tanong ko. “This is my dream.”

                “Eeh kasi baka mauntog ka at unahan ka ng kaba at hiya mo at maisipan mong umatras.” sagot ni Catherine.

                “Hindi ko gagawin iyan,” sagot ko. “Let’s go!”

                Habang naglalakad, nagtataka kami kung bakit nagkakagulo ang mga lalaki. Daig pa ang may artistang dumating. Biglang may lumabas na babae sa grupo ng mga nagkakagulong mga lalaki.

                Ang babae ay maganda.

                “Ah,”  sabi ni Hannah. “Hindi na ako magtataka kung nagkakagulo ang mga boys.”

                Napatingin kami nina Jake at Derick kay Hannah.

                “Si Rianne Thea Christobal pala ang dahilan,” sabi naman ni Catherine.

                “Bakit?” tanong ni Jake na pare-parehas namin na hindi maintindihan.

                “Si Rianne ang campus crush ng mga boys,” paliwanag ni Catherine.

                “Since elementary ay marami ng nahuhumaling sa kaniya,” dagadag pa ni Hannah.

                “Ba’t hindi namin alam iyon?” tanong ko.

                “Because busy kayo sa studies,” sabi naman ni Hannah. “Eh wala nga kayong pakialam sa love life niyo eh.”

                Biglang dumaan si Rianne. Ang mga boys ay nakasunod pa rin. Nagulat ako ng bigla akong tignan ni Rianne at ngumiti ito. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako o nagugutom na ako. Pero ang alam ko sa ngiti niya na iyon ay may kakaiba akong naramdaman.

YOU ARE THE MUSIC IN METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon