CHAPTER ONE

9 0 0
                                    

Ako si Cedrick James Villanueva. Labing-anim na taong gulang noon. Fourth year student noon. Dahil sa graduating ay hindi maiiwasan ang mangarap ng mataas. Simpleng estudyante lang ako noon. Dahil sa simple lang ay konti lang ang nakakakilala sa akin. Sadya lang ako mahiyain.

                Hindi naman ako ganoong katalino pero lagi akong nasa honor. Isa lang ang pangarap ko noon, makapag-perform sa mga school play. Hindi ako makapag-audition noon dahil sa mahiyain nga ako.

                Hindi naman ako magaling umarte. Maganda lang ang boses ko dahil church and school choir ako. Nagmana ako sa aking ina na maganda ang boses.

                Balik tayo tungkol sa pag-audition ko. First year ako noon ng una kong subukan.

                “Hi, Cedrick.” bati ng judge noon. “ What can you show to us?”

                Mukhang nakakatakot ang judge sa ayos niya. Mukha kasi siyang kumakain ng tao. Imbes na makakanta ako, nahimatay ako. Kaya yun, EPIC FAIL!

                Mula noon hindi ko na sinubukan pa ang pag-audition. Inisip ko nab aka hindi para sa akin iyon.

                Three years na ang nakalipas at tatlong school play na ang pinalampas ko. Ayaw ko na ulit mag-audition.

                “Cedrick!” sigaw ng kaibigan kong si Derick. Tumatakbo ito at may hawak na kapirasong papel.

                Si Derick Rosales ang kaibigan ko simula second year. Itinuturing ko siyang isa sa matalik kong kaibigan.

                “Bakit?” nagtatakang tanong ko. “ Hinay lang at baka madapa ka!”

                Paglapit sa akin ay inabot niya ang papel na hawak niya. Hinihingal na ito at pagod. Tinignan ko ang hawak niyang papel.

Theater Club’s Presents

Romeo and Juliet

AUDITION

When: July 21 9am-12nn

Where: School Audtorium

·         Please Sign-up at the Theater Club and prepare your piece. Good luck!

                “Oh ano naman ito?” tanong ko na pagalit.

                “Di ba pangarap mo iyan?” tanong niya na naka-ngiti. “Mag-audition ka.”

                “Derick, alam mo naman na mahiyain ako at hindi ko kaya gawin iyan.”

                Binalik ko na ang papel. Tumalikod acu at nagsimula ng maglakad.

                “Pero..” tawag niya.

                Hindi ko na pinansin. Patuloy ako naglalakad pabalik sa building. Tapos na ang recess noon.

                “Cedrick, nalista ko na ang pangalan mo!” sigaw niya.

                “Anoooooo?” gulat na sigaw ko.

                Sumunod na pangyayari ay natagpuan ko ang sarili ko sa gilid ng stage at ako na ang susunod na isasalang para mag-audition. Tinignan ko ang script. Grabe  ang kabang nararamdaman ko.

                “It’s your fault Derick!” galit na sabi ko sa kaibigan ko.

                Pilyong ngiti lang ang isinagot niya sa akin.

YOU ARE THE MUSIC IN METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon