CHAPTER SEVEN

5 0 0
                                    

Disyembre noon. Malamig ang simoy ng hangin dahil sa papalapit na ang pasko. Lahat ng tao ay abala sa pagbili ng mga regalo.

                Ang dalawa kong kapatid at aking ama ay umuwi para sama-sama kami magdiwang ng pasko. Nakabawas ng kalungkutan para sa akin ang pag-uwi nila.

                Ngunit ang pusong kong musmos pa ay may isang taong laging hinahanap. Si Rianne. Tatlong buwan na simula natapos ang play namin at pagkatapos ay umiwas na siya.

                Naalala ko ang nangyari pagkatapos ng play namin.

                Lahat ay abala sa pagbati sa cast. Sa oras na ito ay abala akong hinahanap si Rianne.

                “Mrs. Gamboa,” tawag ko. “Nakita niyo po ba si Rianne?”

                “Ay,” nagulat na sabi ni Mrs. Gamboa. “Umalis na siya pagkatapos ng show.”

                “Ah, ganoon po ba?” malungkot kong sabi sabay umalis ako.

                Kinabukasan, lahat ng estudyante ay binabati ako. Sa hindi kalayuan ay nakita ko si Rianne. Mag-isa.

                “Rianne!” tawag ko.

Lumingon siya pero hindi niya ko pinansin. Umalis siya. Laging ganoon ang nangyayari simula noon. Lagi niya kong hindi pinapansin at lagi siyang lumalayo. Ngayon, malayo na siya sa akin at hindi ko na siya maabot. Nabaitaan kong lumipat na siya ng paaralan. Hindi na ulit nag-krus ang mga landas namin.

Sa kasalukuyan, ay hindi ko na siya makita. Pinilit ko siyang hanapin, alamin ang address niya pero wala man lang makapagbigay na kahit anong impormasyon tungkol sa kaniya.

Bisperas ng pasko. Naghahanda sina Mama at ang dalawa kong ate ng mga pagkaing ihahanda namin sa pasko. Si Papa naman ay nakikipag-inuman sa mga kumpare niya. Lahat ay masaya, lahat ay abala at ako, mag-isang nagmumukmok sa aking kwarto. Kinuha ko ang aking notebook at nagsulat.

Paano ba magpaalam,

Sa taong nagturo sayo ng lahat?

Paano ba magpaalam,

Kung mismo ang puso mo ay ayaw siyang pakawalan?

Paano ba magpaalam,

Kung siya ang laging nasa isip mo?

Paano ba magpaalam,

Kung sa bawat bagay ay siya ang naaalala mo?

Paano ba ang magpaalam,

Kung ang puso mo ay sabik sa kanya?

Paano ba magpaalam,

Kung puro masasaya ang pinagsamahan niyo?

Paano ka magpapaalam,

Sa taong mahalaga sayo?

Paano nga ba ang magpaalam?

Pwede mo ba kong turuan?

Paano ba ang magpaalam sa taong mahal na mahal mo?

                Tumulo ang luha ko. Naisip ko na imbes na magmukmok ay mamasyal na lang ako sa dalampasigan.

                Malayo palang ako ay nakita ko ang isang babaeng na gumuguhit sa buhanginan gamit ang stick. Kinabahan ako, ay hindi. Mali ang salitang iyon. Mas madaling sabihin na nasasabik ako.

                Tumakbo ako. Niyakap ko siya. Ang babaeng hinahanap ko ay nakita ko din.

                “Rianne….” naiiyak na sabi ko. Hinigpitan ko ang yakap ko sayo.

                Pumipiglas siya at lumalayo. Tinanggal ko na din ang pagkakayakap ko sa kaniya. Pinagmasdan ko si Rianne. Laki ang pinagbago niya noon.

                Naging maputla siya. Pumayat at bahagyang nawala ang pagkamasayahin niya. Nagtaka ako. Ano ang nangyari kay Rianne?

                “Cedrick?” tanong niya na para hindi makapaniwala.

                “Namiss kita,” sabi ko at niyakap.

                “Bakit nandito ka?” tanong ni Rianne. “Aalis na ko. I should stay away from you.”

                Nasaktan ako sa mga sinabi niya.

                “Why?” naiiyak na tanng ko.

                “Dahil….” tila nag-iisip si Rianne sa isasagot niya. “Dahil ayaw na kitang makita!”

                “At bakit?” tanong ko. “Iniwasan mo ko pagkatapos ng play.”

                “Dahil iyon ang nararapat!” sigaw ni Rianne.

                “Bakit?” hindi ko talaga maintindihan. “You makes me feel so important, Rianne. You makes me feel alive. Pinalakas mo ang loob ko during the times I feel weak. And most of all, you teach me how to love you.”

                “I made all of that because,” naiiyak na sabi ni Rianne. ”Dahil kailangan. Para maging mabenta ang palabas natin.”

                “Is that a true?”

                “Yeah!” sagot niya. “And I could say, I’m a good actress because you believe in everything I did.”

                Umiiyak na ko.

                “I love you, Rianne,” sabi ko. “And I’m not regretting to love you.”

                Napatitig si Rianne sa akin at tumalikod na siya.

                “Cedrick,” sabi ni Rianne pero nakatalikod pa rin siya. “Will you love someone you will know that someday she will die?”

                Natigilan ako sa sinabi niya.

                “What do you mean?” tanong ko.

                “Basta sagutin mo ang tanong ko.”

                “Well, I will…”

                “Thank you for answering that,” sagot niya at nagsimula na ulit maglakad palayo. “Nga pala, huwag mo na ko hahanapin ulit.

                Umalis na si Rianne. Masakit panoorin ang pag-alis ng isang tao na unang nagturo sayo kung paano ang magmahal. Hindi mo alam kung magkikita pa kayo.

                Tuluyan na nawala sa aking paningin si Rianne at kasabay noon ang paglubog ng araw. Isang malungkot na pamamaalam.

                Nagsimula akong maglakad ng bigla kong napansin ang sinulat ni Rianne sa buhanginan.

I love you Cedric!

YOU ARE THE MUSIC IN METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon