CHAPTER TEN

3 0 0
                                    

“Cedric..”

                “Cedric..”

                “Cedric..”

                Nagising ako sa tawag na iyon. Nakita ko si Rianne na nakaupo sa isang wheel chair. Nasa loob siya ng kwarto ko. Nakangiti siya sa akin pero ang labi niya ay putlang-putla. Hindi na iyon kasing-pula ng mga labi niya noon. Ang mga mata niya ay nanlalalim na.

                Alam ko nanghihina na siya. Pero pinipilit niya pa din na ngumiti para sa akin. Ang mga mata niya ay naglalabas ng mga butil ng mga luha.

                Sa nakita kong kalagayan niya ay naluluha na ako. Nais ko ulit makita ang malakas niyang halakhak, ang energetic niyang kilos, ang matatamis niyang ngiti, ang malambing niyang boses.

                Ang lahat ng iyon ay nilamon ng isang sakit. Masakit mang isipin iyon.

                Inilahad niya ang kaniyang kamay. Tumayo ako mula sa aking pagkakahiga. Apat na buwan na simula ng magkahiwalay kami at ganoon na lang ang pananabik kong mayakap siya.

                Lumapit ako at niyakap siya. Niyakap ko siya na sobrang higpit.

                “Nga pala, ano ginagawa mo dito?” nagtatakang tanong ko. “Sana nagpasundo ka na lang sa airport.”

                Napangiti lang siya. Hinahaplos niya ang buhok ko at tinititigan ang mukha ko. Parang minememorya nito ang bawat anggulo ng mukha ko.

                “Sino kasama mo?” tanong ko ulit. “Buti pinapasok ka ni mama.”

                “Mahal na mahal kita, Cedric,” sagot nito.

                Napakalayo ng sagot ni Rianne sa mga tanong ko. Hinawakan ko ang kamay niya.

                “Mahal na mahal din kita, Rianne,” ganti ko rin sa sinabi niya. “And I know na alam mo iyon.”

                “I know,” mahinang sagot niya. “You know what I will miss you very much.”

                Nagtataka na ko sa mga sinasabi niya.

                “Sana Cedric,” dagdag pa ni Rianne. “That you will find a girl that you will cherish forever.”

                “Rianne, ikaw ang babaeng iyon.”

                “Sana kahit makita mo na ang perfect girl for you, huwag mo kong kakalimutan ah.”

                Naiiyak na ko sa mga sinasabi niya.

                “Cedrick, I will always love you ‘till eternity.”dagdag pa nito. “You are always the only man in my life. You’re memories will always be inside my heart.”

                “Rianne, don’t say goodbye,” sabi ko at hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya. “Marami pa tayong gagawin.”

                 “Cedric,” mahinang sabi niya. “Hindi lahat ay panghabambuhay. Dapat lagi kang handa sa mga pagbabagong magaganap sa mga dararting na araw.”

                “Rianne..”

                “You are the reason why I holding on to my life. You are the reason of my every breath. But, Cedric, I think you should now learn to move on.”

                “What do you mean?”

                “Always remember, I love you very much ‘till my last breath take. I love you Cedric. I love you very much. Promise me, you will continue your life without me. I am here inside your heart. Bumalik lang ako para tuparin ang pangako ko. Promise me you will find another girl and love her better than the way you love me. I love you Cedric. Goodbye.”

                “Rianne..” hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya pero bigla na lang siya nawala.

                Nagising ako sa tunog ng tawag mula sa cellphone ko. Pagtingin ko number lang ang nakalagay. Sinagot ko.

                “Hello?” bati ko.

                Tinignan ko ang relo ko at nakita ko na alas-onse na ng umaga. Inayos ko ang buhok ko gamit ang isa kong kamay.

                “Hello,” bati mula sa kabilang linya. Boses ng isang matandang lalaki na nasa tantiya ko ay nasa mid-fifties na ang edad. “Is this Cedric Villanueva?”

                “Yes sir,” sagot ko. “Ihow may I help you, sir?”

                “This is Rianne’s father.” sagot sa kabilang linya. “And I would like you to know that we’re here in the Philippines.”

                “Sir, where is Rianne?” tanong ko na may halong kaba.

                “She is the reason why I need to talk to you,” sagot ng tatay ni Rianne. “And I want to talk to you in person.”

                Binaba na ng tatay ni Rianne ang telepono. Puno na ng kaba ang dibdib ko. Ano kaya ang nangyari? May koneksyon ng pagtawag ng tatay ni Rianne sa panaginip ko?

YOU ARE THE MUSIC IN METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon