CHAPTER TWELVE

12 0 0
                                    

Napatingin ako sa notebook na iyon. Nakapatong iyon sa lamesa ko. Isang linggo na din ang nakakaraan simula ng malaman kong patay na si Rianne. Hindi ko pa binubuklat ang notebook na iyon.

                Sa tingin ko sa gabing iyon, iyon ang tamang oras para basahin dahil ang puso at isipan ko ay handa na para mag-move on.

                Hinawakan ko iyon at inaalala ko ang masayahing mukha ni Rianne.

To My DearestCedric

            Binuksan ko na ang gitnang pahina.

January 3

Dear Cedric,

          Nandito na ako sa America. Unang araw ko dito at dalawang araw na tayong hindi nagkikita. Miss na miss na kita. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi mo. Ang sarap isipin na mahal na mahal mo ako. Masaya ako dahil handa mo kong alagaan at mahalin. Ang hirap lang dahil kailangan muna natin maghiwalay.

          Gusto na ulit kita makita Cedric. You are the wonderful blessing that God could give me. I love you and see you soon!

Rianne

                        Binuksan ko naman sa unang-una.

September 6

Dear Cedric,

          Nakakatuwa ka naman. Unang beses kitang nakita ngayong araw. Nakuha mo ang atensyon ko nung unang beses kang nag-audition para sa play ng Theater’s club na “Sleeping Beauty”. Nagulat ako ng bigla kang nahimatay noon. I was very shocks by then, dahil hindi ko aakalain na may mahihimatay dahil doon. As I watch you walking to the center stage, I know that you are now special to my heart. I want to be your friend by then. I want to introduced myself to you, kaso naisip ko na babae ako. Ba’t ako magpapakilala sayo? Well, here in this notebook, I want to tell to you that, Hi, I’m Rianne Christobal.

Rianne

            Ngayon, alam ko na kung paano niya ako nakilala. Isang malaking palaisipan pala sa akin noon kung paano niya ako nakilala.

October 7

Dear Cedric,

          I always watch you from a distance. Nahihiya akong lumapit sayo. One month na simula ng makita kita. I know that I have a crush on you. Hindi ko alam kung bakit ako attracted sayo. But I know, the day that I saw you in stage is the day I believed in the words “love at first sight”. Hindi ko alam kung paano ako mapapalapit sayo. Pinapanalangin ko sa Diyos na pagtagpuin niya ang mga landas nating dalawa.

Rianne

                Naluha ako sa mga sandaling iyon. Marami pa pala akong hindi alam kay Rianne. Inilipat ko ang pahina sa tatlong taon na ang lumipas.

July 28

Dear Cedric,

          Nakita na naman kita sa Theater. Natuwa ako noon dahil nagtry ka ulit mag-audition after three years. But you failed again. Nalungkot ako dahil alam ko malaki ang chance mo na ikaw ang gumanap sa role ni Romeo. Kinausap ko noon si Mrs. Gamboa at pinakiusapan ko na ikaw ang gawing Romeo. Pumayag siya due to my suggestion. Ang saya ko. Dahil makikilala na ako ng lalaking iniibig ko. Oo, Cedrick, mahal na kita. Inilihim ko sayo. So, congrats Cedric. See you in theater’.

Rianne

September 27

Dear Cedric,

            Ang saya ko dahil nakausap kita sa dalampasigan. Hindi ko inakala na makakapag-usap tayo ng ganoon kaseryoso. Ngunit, nasaktan ako ng sinabi mong may mahal kang iba. Ipinapanalangin ko noon na sana ako na lang ang mahal mo. Sana ako na lang ang maisipan mong mahalin. Sana ako na lang ang tignan mo. Naisip ko ang swerte ng babaeng iyon. Ang sakit isipin na ang mahal mo ay may minamahal ng iba.

Rianne

October 29

Dear Cedric,

          Mahirap umiwas sayo. Pagkatapos ng play pinili ko ng umiwas sayo dahil iyon ang nararapat. Nalaman kong may sakit na ako at dalawang taon na lang ang ilalagi ko dito sa mundo. Ayoko na lalo pang masaktan at malaman na iba pala ang mahal mo. Mabuti na ang mamatay na wala kang alam. Mahal kita Cedric pero kailangan kitang layuan.

Rianne

                Ngayon, alam ko na ang dahilan ng paglayo niya sa akin sa play. Hindi ko siya masisisi na gawin niya iyon. Binuksan ko sa huling pahina ng notebook. Ang huling araw niya sa mundo. At ito ang pinakamahaba sa lahat.

May 1

Dear Cedric,

          Pagod na pagod na ako. Gusto ko pang lumaban para sayo pero nanghihina na ako. Gusto ko ng sumuko.Patawarin mo ako kung bibitiw na ako. Mahal na mahal kita. Huwag kang mag-alala, babalik ako tulad ng pinangako ko sayo. I will always stay in your heart. Patawarin mo ako sa lahat ng pagkukulang ko. You we’re always the music in my heart that I always love to hear. I want you to find someone better. Gusto kong mahalin mo siya na higit sa pagmamahal na ipinadama mo sa akin.

          You are the reason why I’m fighting for. Pero sa ngayon kailangan ko ng magpaalam. Patawarin mo ako kung hindi na ako ang makakasama mo sa mga pangarap mo. It’s hard for me to let go but I have to. I know my time is drawing near.

            Ayoko na din dumating sa point, na mawala na ang lahat ng alaala ko lalo na ang alaala na kasama kita. Ayokong makalimutan ko ang mukha mo at paano mo ko pinasaya. Well, that is life. It’s begin when we are born and end with death. Wala makakatakas sa kamatayan.

          Sana huwag mo kong kalimutan at lagi mo akong itanim diyan sa puso mo. Darating din ang panahon makakahanap tayo ng mundo kung saan magkakasama tayo, tayong dalawa.

          Mahal kita pero kailangan ko ng magpaalam.

          Rianne

YOU ARE THE MUSIC IN METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon