EPILOGUE

4 0 0
                                    

Sampung taon man ang lumipas, ngunit sa alaala parin ni Rianne nabubuhay si Cedric.

                Sa dalampasigan na anging saksi sa pagbunga ng pag-ibig sa pagitan ng dalawang tao. Sa pagbalik nga ni Cedric doon, may lungkot parin sa mga mata niya. Pangungulila at kasabikan sa isang tao na nagturo sa kaniya kung paano ang kumanta sa sarili niyang boses.

                Hawak niya ang pangako ni Rianne na darating ang panahon na may isang mundo kung saan silang dalawa ay magkakasama.

                Sa paglubog ng araw ay natapos na ni Cedric na basahin ang mga sulat ni Rianne. Tumayo siya at nagsimulang maglakad.

                “Cedric..”

                “Cedric..”

                Narinig niya ang mga tawag na iyon. Boses na gusto niyang ulit-ulitin na marinig.

                “Rianne,” tawag niya. “Nasaan ka?”

                Paglingon niya sa dalampasigan ay nakita niya si Rianne na nakatayo sa dagat. Puti ang suot at matamis ang ngiti.

                Nasabik si Cedric. Inilahad ni Rianne ang dalawa niyang kamay.

                “Cedric..”

                “Rianne, nagbalik ka nga.”

                Lumapit si Cedric kay Rianne at masaya sila ulit nagsama sa mundo kung saan ay maari na nilang ipagpatuloy ang naudlot nilang pag-ibig.

                Ang notebook na puno ng sulat ni Rianne ay nilamon na din ng dagat.

YOU ARE THE MUSIC IN METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon