ᴛʜᴇ ʀᴇɪɴᴄᴀʀɴᴀᴛɪᴏɴ
ᵇʸ ᶜˢ››› ———————✵——————— ‹‹‹
Mᴀʟᴀᴋᴀs ang pagbuhos ng ulan, kumukulog at kumikidlat. Medyo nag-aalala si Natasha nang hindi pa lumalabas ng k'warto si Ashano mabuti na lamang ay gabi na't pinaghanda na niya ng makakain ang amo. Kumatok muna siya ng dalawang beses 'tsaka siya pumasok sa loob ng k'warto ni Ashano na dala-dala ang pagkain nito.
Naabutan niya itong nakatulukbong ng kumot at nanginginig kaya mabilis niyang inilapag ang tray sa lamesa at nilapitan si Ashano. Hinawakan niya ito at inaapoy na ito ng lagnat. Naulanan kasi sila kanina at hindi agad sila nakapag palit dahil bumyahe pa sila pauwi.
"Ash ayos ka lang ba? Ang init mo," nag-aalalang aniya.
Nanginginig ito at parang takot na takot. Hinawakan nito ang kamay niya at sobrang higpit no'n.
"D-dito ka lang, 'wag kang aalis," sambit nito sa kaniya.
"Oo, dito lang ako. Hindi kita iiwan," sambit niya.
Biglang kumulog at kasabay no'n ang kidlat. Isiniksik ni Ashano ang katawan sa kaniya at parang takot na takot ito kaya niyakap niya ito para kumalma.
"A-ayos ka lang ba? Natatakot ka ba sa kidlat?" tanong niya. Marahan naman itong tumango sa kaniya. "'Wag kang mag-alala nandito lang ako. 'Wag kang matakot," pag-aalo niya.
Pinahiga ulit ni Natasha si Ashano sa kama dahil kanina'y napabalikwas ito nang-upo.
Tumayo siya para makapagluto muli ng mainit na lugaw at para mainitan ang sikmura nito. Kukuha na rin siya ng gamot para maibsan ang taas ng lagnat nito. Aalis na sana siya nang pigilan siya ni Ashano sa kamay at kahit nahihirapan itong dumilat ay nagawa pa rin nitong matitigan siya.
"S-saan ka pupunta? A-akala ko ba hindi mo ako iiwan?" malungkot na tanong nito.
Mabilis naman siyang umiling at tipid na ngumiti sa binata.
"Hindi naman kita iiwan, magluluto ulit ako para mainitan 'yong sikmura mo at kukuha na rin ako ng gamot para bumaba na 'yang lagnat mo," paliwanag niya.
Ang mahigpit nitong hawak sa kaniyang kamay ay unti-unting bumitaw at hinayaan na siyang lumabas ng k'warto pero bago 'yon kinuha niya muna ang tray sa lamesa 'tsaka siya tuluyang lumabas.
Nagluto siya ng lugaw at nang makapagluto ay inilagay niya sa tray 'yon pati na rin 'yong gamot at isang basong tubig.
Dumiretso siya sa k'warto ni Ashano at naabutan niya itong nanginginig dahil siguro sa nararamdaman nito. Mabilis siyang lumapit dito at ginising dahil alam niyang natutulog na ito.
Nagising naman si Ashano kaya tinulungan niya ito sa pagkakasandal sa kama. Inumpisahan na niyang subuan ito ng mainit na lugaw. Hinipan niya muna iyon para hindi ito mapaso. Hanggang sa matapos kumain ay uminom na ito ng gamot at tinulungan niya ulit itong humiga.
Inilabas niya muna ang pinagkainan nito at kumuha na rin ng isang plangganang maligamgam na tubig at bimpo para mapunasan ito. Bumalik siya sa k'warto nito at sinimulan nang punasan ang kaniyang amo.
Habang pinupunasan niya ang binata hindi niya mapigilan ang sarili na titigan ang mukha nito. Kahit saang anggulo ay g'wapo pa rin ang binata kahit natutulog ay g'wapo pa rin ito. Payapang-payapa na ang tulog nito at hindi na nanginginig sa lamig. Nang matapos niyang punasan ang binata, aalis na sana siya nang hatakin siya pahiga sa tabi nito.
Niyakap siya nito ng mahigpit at isiniksik ang mukha nito sa leeg niya kaya nararamdaman na naman niya ang mainit nitong hininga na tumatama sa leeg niya.
"N-Natasha . . . dito ka lang . . . 'wag mo akong iwan. Mahal na mahal kita," bulong sa kaniya ng binata.
Nag-umpisa na namang bumilis ang pagtibok ng puso niya na parang nakikipagkarera. Bumibigat na rin ang paghinga niya sa nararamdamang kaba. Tumagilid siya ng higa para matitigan ang binata. Hinaplos-haplos niya ulit ang buhok nito at malamyos na kinantahan ito para makagaan sa pagtulog nito.
Ilang minuto ang lumipas nang makatulog na ito at naririnig na niya ang mahinang paghilik nito at dahil do'n napatitig siya sa mga labi nito na bahagyang nakabuka at hindi niya napigilan ang sariling ipaglapat ang mga labi nila sa isa't isa.
Ramdam niya ang mga malalambot na labi nito na nakalapat na labi niya at ang pamilyar na bagay na nararamdaman niya ay parang naulit na naman ang pangyayaring ito at hindi na naman niya alam kung paano nangyari at kung saan. Hinalikan niya muna ito sa noo 'tsaka siya bumulong malapit sa tainga nito.
"Hindi kita iiwan, mahal ko . . ."
Nakita niya pang bahagyang ngumiti si Ashano kahit natutulog na ito. Niyakap niya ito at ramdam niya ang mga init ng katawan nila sa isa't isa at ang pamilyar na bagay na nararamdaman niya sa tuwing naglalapit sila ng binata.
Ilang minuto ng nakapikit si Natasha hanggang sa makatulog siya sa tabi ng binata nang hindi niya namamalayan. Nanaginip siya na may dalawang kasintahan na magkasama, masayang naghahabulan sa burol na pinuntahan nila ni Ashano.
Hindi niya makita ang mga mukha nito ngunit sa tantya niya ay mas matanda ang lalaki kaysa sa babae. Mukhang magkasintahan nga ang dalawa dahil hinalikan ng babae ang lalaki sa mga labi at masayang-masaya ang dalawa habang hinahayag ang mga damdamin nila sa bawat isa.
Hindi alam ni Natasha kung bakit nanaginip siya ng ganito o kung sino ang mga ito sa panaginip niya parang nanonood lang siya ng romantic movie at ang dalawa ang bida.
Tumatawa ang babae habang nagpapahabol sa kasintahan nito pero hindi niya alam kung bakit hindi umiinda ang katandaan nito sa pagtakbo para habulin ang kasintahan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit kakaiba ito sa mga matatandang hindi na masyadong nakakatakbo ng gano'n.
Kahit nasa isang panaginip si Natasha hindi niya napigilan ang sarili na hindi makapag-isip. Tila huminto ang pag-ikot ng mundo nang marinig niya ang mga pangalan nito, na iyon rin naman ang hinala niya.
"Acianna, ipinapangako ko na ikaw lamang ang aking mamahalin hanggang sa muli nating pagkikita, ikaw pa rin ang aking iibigin."
Nakahawak ito sa magkabilang pisngi ni Acianna at nakatitig sa mukha nito. Alam ni Natasha na nasisiyahan si Acianna sa sinabi ng kasintahan.
"Ganoon din ako mahal ko, hintayin mo lamang ako at magsasama tayong muli."
Hindi alam ni Natasha kung bakit niya napanaginipan ang dalawang magkasintahan na 'yon. Wala siyang ka ide-ideya sa napanaginipan niya tungkol sa magkasintahan.
BINABASA MO ANG
𝚃𝚑𝚎 𝚁𝚎𝚒𝚗𝚌𝚊𝚛𝚗𝚊𝚝𝚒𝚘𝚗
Romanceˢʰᵒʳᵗ ˢᵗᵒʳʸ ᴛʜᴇ ʀᴇɪɴᴄᴀʀɴᴀᴛɪᴏɴ ᵇʸ ᶜˢ Nᴀɴɪɴɪᴡᴀʟᴀ ᴋᴀ ʙᴀ sᴀ ʀᴇɪɴᴄᴀʀɴᴀᴛɪᴏɴ? 𝑷𝒂𝒏𝒂𝒉𝒐𝒏 𝒏𝒂 𝒖𝒑𝒂𝒏𝒈 𝒊𝒕𝒐'𝒚 𝒊𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒍𝒂𝒎𝒂𝒏... 𝒔𝒂 𝒑𝒂𝒎𝒂𝒎𝒂𝒈𝒊𝒕𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝒅𝒂𝒍𝒂𝒘𝒂𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒐𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒈-𝒊𝒊𝒃𝒊𝒈𝒂𝒏 𝒎𝒖𝒍𝒂 𝒏𝒐𝒐𝒏 𝒉𝒂𝒏�...