ᴛʜᴇ ʀᴇɪɴᴄᴀʀɴᴀᴛɪᴏɴ
ᵇʸ ᶜˢ››› ———————✵——————— ‹‹‹
T ɪʟᴀ kakapusin siya ng hininga no'ng maidilat niya ang mga mata at sinalubong siya ng isang ginang na medyo may katandaan na at hindi niya magawang alalahanin ito dahil sobrang kirot ng ulo niya.
Inikot niya ang paningin at hindi nga siya nagkamali dahil nandito siya sa loob ng hospital at may kung ano-anong apparatus ang nakakabit sa katawan niya. Hindi niya pa maigalaw ang sariling kamay at hindi niya rin maramdaman ang kaniyang paa kaya tumingin siya sa paanan at nakita niyang may benda ito. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kaniya kaya tumingin ulit siya sa ginang na ang tantiya niya ay nasa edad singkwenta na.
"Anak, ayos ka lang ba? Tatawagin ko lang si doktor," tarantang sabi ng ginang.
"Nasaan ang asawa ko?" nag-aalalang tanong niya sa ginang.
"A-asawa? A-anak . . . wala ka pang asawa, ano ba 'yang sinasabi mo," ani ng ginang na nagtataka.
"Nasaan si Ashano?! Nasaan ang asawa ko?!" humagulgol na siya ng iyak habang iniisip ang kalagayan ng asawa niya.
"A-anak . . . ano bang nangyayari sa'yo? W-wala ka pang asawa," naguguluhang napaiyak na rin ang ginang habang pinapakalma siya.
"Si A-ashano Cruz ang asawa ko! Nasaan siya?!" pagpupumiglas niya sa ginang.
"H-huminahon ka a-anak hindi ko alam 'yang mga sinasabi mo pero naguguluhan ako kung bakit mo nakilala sina Ashano Cruz at Natasha Santos gayo'y hindi mo naman ito mga kilala," paliwanag ng Ginang.
Medyo huminahon na siya sa pagpupumiglas sa Ginang at nanghihinang bumitaw siya rito. Walang tigil sa pag-agos ang mga luha niya sa mga mata habang nasa kaniyang isipan ang kaniyang asawa na si Ashano. Ang naalala niya ay buong mukha nito na puro dugo at walang malay.
"C-cynthia anak huminahon ka muna. Hindi ka pa magaling," ani ng Ginang.
Nagulat siya sa pangalan na itinawag nito sa kaniya. Hindi siya makapaniwala sa narinig.
Cynthia?
Sino si Cynthia? Siya si Natasha, iyon ang sinisigaw ng kaniyang isipan ngunit tinawag siyang muli ng Ginang sa gano'ng pangalan na akala niya'y nabingi lamang siya.
"Cynthia anak. Ayos ka lang ba? Tatawagin ko ang doktor," ani ng Ginang at pinindot sa gilid ang intercom. "Doc! Gising na ang anak ko, please come over here!" Sigaw ng Ginang.
Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari. Panaginip lang ba ang lahat? Bakit gano'n? Parang totoong-totoo. Para na siyang mababaliw kakaisip kung totoo nga ba ang lahat nang 'yon o nananaginip lang siya?
"Ako si Natasha Santos Cruz, hindi ba?" paniniguro niya sa Ginang.
Tiningnan siya ng Ginang na parang hindi makapaniwala sa mga sinasabi niya. Ano ba ang nakakagulat sa mga sinasabi niya e, 'yon naman talaga ang alam niya.
"H-hindi ikaw si Natasha," sagot ng Ginang.
"Ikaw ang anak kong si Cynthia."
"Kung gano'n, sino si Natasha sa buhay ko? B-bakit gano'n? Bakit . . . hindi ko maintindihan ang lahat!" Sigaw niya habang humahagulgol ng iyak.
"Hindi ko alam anak, huminahon ka muna. Si Natasha Santos ay asawa ni Ashano Cruz! Sila ang pinaka mayaman na mag-asawa sa buong Pilipinas at matagal na silang namayapa, siguro hindi pa ako buhay no'n at hindi ko rin alam pero ang balita ko lang sa kanila ay namatay sila dahil sa aksidente at naiwan ang dalawa nilang anak na kambal na ngayon ay may mga edad na," paliwanag ng Ginang.
BINABASA MO ANG
𝚃𝚑𝚎 𝚁𝚎𝚒𝚗𝚌𝚊𝚛𝚗𝚊𝚝𝚒𝚘𝚗
Dragosteˢʰᵒʳᵗ ˢᵗᵒʳʸ ᴛʜᴇ ʀᴇɪɴᴄᴀʀɴᴀᴛɪᴏɴ ᵇʸ ᶜˢ Nᴀɴɪɴɪᴡᴀʟᴀ ᴋᴀ ʙᴀ sᴀ ʀᴇɪɴᴄᴀʀɴᴀᴛɪᴏɴ? 𝑷𝒂𝒏𝒂𝒉𝒐𝒏 𝒏𝒂 𝒖𝒑𝒂𝒏𝒈 𝒊𝒕𝒐'𝒚 𝒊𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒍𝒂𝒎𝒂𝒏... 𝒔𝒂 𝒑𝒂𝒎𝒂𝒎𝒂𝒈𝒊𝒕𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝒅𝒂𝒍𝒂𝒘𝒂𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒐𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒈-𝒊𝒊𝒃𝒊𝒈𝒂𝒏 𝒎𝒖𝒍𝒂 𝒏𝒐𝒐𝒏 𝒉𝒂𝒏�...