ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ᴠɪ

84 10 0
                                    


ᴛʜᴇ ʀᴇɪɴᴄᴀʀɴᴀᴛɪᴏɴ
ᵇʸ ᶜˢ

››› ———————✵——————— ‹‹‹

Nᴀᴋᴀᴛɪɴɢɪɴ lang si Natasha sa babaeng kasabay ni Ashano na kumakain sa hapagkainan. Mukhang masaya ang dalawa habang kumakain, samantalang siya ay pinagsisilbihan ang dalawa.

Sinalinan niya ng tubig si Ashano at hindi na lang niya pinansin ang dalawang masayang nag-uusap. Hindi niya alam pero masama ang loob niya kay Ashano, parang may kung ano siyang nararamdaman na hindi niya mapaliwanag.

Dumagdag pa na parang nangyari na ito noon pero hindi niya alam kung saan. Nakagat na lang niya ang ibabang labi at handa nang umalis matapos pagsalinan ng maiinom ang kaniyang amo nang hawakan siya ni Ashano sa kanang kamay at tumitig sa mga mata niya na parang kinakalkal kung ano nga ba ang mga nilalaman ng mga mata niya.

"May kailangan pa ho ba kayo sir?" hindi niya naiwasang ipakita rito ang kaniyang mapanuyang emosyon.

"We'll talk later," wika nito.

Napatingin siya sa kamay na hawak pa rin nito kaya marahan niyang itinanggal iyon at bumuling ang kaniyang tingin sa babaeng kasama ni Ashano sa pagkain. Nakatingin lamang ito sa kanilang dalawa na parang nagmamasid bago ngumiti ng tipid sa kaniya, yumukod agad siya bago umalis sa dining area.

Lumipas ang oras umalis na rin sa wakas ang babaeng 'yon na ang pangalan pala ay Aby. Hindi pa rin nawawala ang nararamdaman niya dahil nakikita niya si Ashano na masaya sa babaeng 'yon habang nag-uusap. Mukhang masaya nga sila dahil tumatawa pa ang mga ito. Parang bigla siyang nanliit sa kadahilanang umasa siya kay Ashano o baka naman ginu-good time lang talaga siya nito? Matapos kasi niyang magpahinga no'ng isang araw ay hindi na sila nag-usap pa. Tapos ngayon naman ay may ibang babae na itong kasama at talagang dinala pa rito sa mansyon para ipamukha sa kaniya na may babae siya at ngayon naman ay sasabihin nito sa kaniya na mag-uusap silang dalawa? para saan pa? para sabihin na ginu-good time lang talaga siya nito at talagang pinaniwala lang siya na magkakagusto ito sa isang katulad niyang mahirap lang.

Wala siyang karapatang mag-demand at mas lalong wala siyang karapatang magalit dito kasi unang-una hindi naman sila, pangalawa, katulong lang siya nito at nasasaktan siya sa isiping 'yon.

Abala siya sa paghuhugas ng mga plato at abala naman sina Mitt na naglilinis dito sa kusina. Hindi siya ng mga ito magisa dahil hindi rin naman siya kumikibo sa mga tudyo ng mga kaibigan. Wala siya sa mood para makipag-sabayan sa mga tudyo ng mga kaibigan niya lalo pa't ngayong naiinis siya sa lalaki.

Nagulat ang mga ito nang biglang pumasok sa loob ng kusina si Ashano. Halatang alam na nang mga ito na gusto siyang makausap dahil isa-isa ang mga itong umalis sa kusina at iniwan silang dalawa sa loob.

Naramdaman niya ang pagyakap nito mula sa likuran niya at idinikit ang mga pisngi nila sa isa't isa.

"Are you mad?" tanong ni Ashano.

Hindi siya kumibo at pinagpatuloy ang paghuhugas ng plato kahit pa bumibilis na naman ang tibok ng puso niya.

"Talk to me my love."

Napatigil siya sa pagpupunas ng plato dahil parang nangyari na naman ang ganitong eksena. Humarap na siya kay Ashano para matitigan ito sa mga mata. Gusto rin naman niyang makausap ito para malinawan siya ng maayos at para na rin ito sa nararamdaman niyang parang unti-unting pinapatay.

"Sino 'yon?" pinigilan niya ang sarili na maging iritable.

"Ah, si Aby? Kaibigan ko lang siya."

"Kaibigan lang? Pero bakit gano'n siya tumingin sa'yo? Baka gusto ka niya," umiwas siya ng tingin kay Ashano para hindi makita ang namumuong selos sa mga mata niya.

𝚃𝚑𝚎 𝚁𝚎𝚒𝚗𝚌𝚊𝚛𝚗𝚊𝚝𝚒𝚘𝚗Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon