ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ x

62 9 0
                                    


ᴛʜᴇ ʀᴇɪɴᴄᴀʀɴᴀᴛɪᴏɴ
ᵇʸ ᶜˢ

››› ———————✵——————— ‹‹‹

"Nais kong malaman mo naging bahagi ka ng buhay ko~ Iibigin kita kahit sa'n man tuwina, sinta~"

"Mister saan mo ba ako dadalhin?" tanong ni Natasha kay Ashano na ngayon ay mag-asawa na.

Sampung taon na ang lumipas at sa loob ng sampung taon mas minahal niya pa si Ashano. Ang s'werte niya dahil hinintay nga siya nito at hindi nagsawang suyuin siya hanggang sa um-oo na lang siya dahil ayaw na niyang patagalin pa iyon at halos tatlong taon din magmula no'ng nanligaw si Ashano sa kaniya at hindi rin nagtagal ay nag-propose ito ng kasal sa kaniya na hindi niya tinanggihan. Hanggang sa maikasal sila ay hindi pa rin nawawala ang pagmamahal nila sa isa't isa at mas lumalim pa ang pagmamahalan nila sa isa't isa.

Sa loob ng sampung taon marami na ang nangyari at ang dati nitong mga maid na sina Mitt, Kezz at Seff tinulungan ni Natasha makaahon ang tatlo sa hirap at ngayon ay mga successful na ang mga ito dahil sa tulong ni Natasha at s'yempre sa tulong rin ni Ashano.

Mas lumaki pa ang kumpanya ni Ashano dahil sa tulong ni Natasha pero dahil din kay Ashano kung bakit siya nakapagtapos ng pag-aaral at ngayon ay masaya na silang namumuhay bilang mag-asawa may dalawa na silang supling at talagang mga makukulit ang mga ito. Kambal ang naging anak nila, isang babae at isang lalaki at kamukhang-kamukha nga nilang mag-asawa ang dalawang anak. Kamukha ni Ashano ang anak nilang babae at kamukha naman niya ang anak nilang lalaki.

Hindi nila ang mga ito kasama dahil hiniram muna ng mga magulang ni Ashano ang dalawang bulilit at ngayon ay malaya silang makakamasyal at hindi niya alam kung saan siya dadalhin ni Ashano basta na lang siya hinila at sinabing mag-da-date silang dalawa. Napailing na lang siya dahil doon.

Nang makarating sila sa paroroonan ay nagtaka siya dahil pumunta sila ni Ashano sa liblib na lugar. Hindi ito kilala at walang katao-tao.

"Nasaan tayo Ashano?" takang tanong niya.

Bumaba na sila ni Ashano at iginaya siya papasok sa loob ng barong. No'ng una ay natatakot siya dahil bukod sa lumang bahay iyon hindi nila alam kung sino ang nakatira sa barong na bahay na 'yon at baka bigla na lang sila mahuli ng may-ari ngunit nawala 'yon nang sabihin ni Ashano na walang nakatira sa barong.

"Bakit tayo pumunta rito?" tanong niyang muli at sa pagkakataong 'yon sumagot na si Ashano.

"Natatandaan mo pa ba sina Acianna at Natacio?" tanong pabalik ni Ashano sa kaniya.

Tumango naman siya bilang tugon. "Oo, bakit?"

"Noong binili ko 'yong singsing hindi pa ako naniniwala sa mga nalaman ko noon at nang ibigay ko sa'yo ang singsing na infinity ring ang akala ko ay gawa-gawa lang nila 'yong k'wento na 'yon para bilhin ko 'yong singsing at ngayon ay naniniwala na ako. Bukod sa mga nalaman ko ay nasaksihan ko rin ang pag-iibigan nilang dalawa sa pamamagitan ng aking panaginip," tumingin sa akin si Ashano.

Hindi lang si Ashano ang nakakapanaginip sa pag-iibigan ng dalawa ay siya rin mismo ay na saksihan 'yon at kitang-kita at rinig na rinig niya ang mga pangako nila sa isa't isa noong nanaginip siya, noon.

"Akala ko noon hindi talaga nag-e-exist sina Acianna at Natacio noon at nagkataon lang ang mga pangalan nila sa atin. Ngayon ay na patunayan kong nabuhay nga talaga sila sa taong 1893 at totoo ang pagmamahalang naganap sa kanila at dito mismo sa kinatatayuan natin ang saksi ng pagmamahalan nila," paliwanag ni Ashano.

Hindi niya alam kung bakit na luha siya sa k'wento nito kahit wala namang Nakaka-iyak.

"Dito rin mismo nawalan ng hininga si Natacio at Acianna. Sa kasaysayan ng pag-iibigan nila ay nakasulat mismo sa libro ang buong pangalan nila. Natacio Marval at Acianna---"

"Luna-Marval," putol niya sa sinabi ng asawa.

Hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya ang asawa na may pagtataka sa mukha.

"Nanaginip rin ako noon sa kanila, Ashano. Hindi ko maintindihan kung bakit napanaginipan ko sila pero ngayon unti-unti nang nalilinawan sa akin ang lahat-lahat. Wala man akong maalala pero tandang-tanda ko kung paano magmahalan ang dalawang magkasintahan at alam kong na ulit muli ang pag-iibigan na 'yon sa taong 2020."

Bigla siyang niyakap ni Ashano ng sobrang higpit na tila ngayon na lamang sila nagkita kahit mag damag naman silang magkasama. Hindi niya alam kung bakit masaya siya sa mga nalalaman at tinugon na lamang ang mahigpit na yakap ng asawa. Sa totoo lang matagal na siyang naniniwala sa reincarnation pero hindi niya lubos akalain na siya mismo ang makakasaksi ng lahat at gano'n din ang kaniyang asawa.

"Hindi ko alam misis kung bakit pakiramdam ko ay miss na miss kita kahit magkasama naman tayo mag mula kanina," pag-amin ni Ashano.

"Gano'n din ako mister. Hindi ko rin maintindihan 'yong sarili ko kung bakit na iiyak ako kahit wala namang nakakaiyak," paliwanag niya.

"Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa mga naiisip ko ngayon pero ang tanging sigurado lang ako ay 'yong mahal na mahal kita," ani Ashano.

Ilang minuto silang magkayakap hanggang sa mapagdesisyonan nilang mag libot-libot. Kahit luma na ang mga nakapaligid sa kanila at marurupok na ang barong ay nagawa niya pa ring mamangha sa mga bagay-bagay na nakikita. Ang totoo niyan ay may bahagi sa isip niya na naniniwala-- na siya talaga si Acianna at ang asawa naman niya ay si Natacio pero may bahagi rin sa kaniya na nabuhay ba talaga sila para ituloy ang naudlot nilang pag-iibigan?

Ngayong normal na si Natacio bilang Ashano gagawin niya ang lahat para sa kaniyang mahal na asawa. Mas mamahalin pa niya ito higit pa sa pagmamahal ni Acianna kay Natacio. Napangiti na lang siya sa isiping 'yon. May maniniwala kaya kung sasabihin nila iyon sa mga tao na sila ang mga hinahangaan nila? Sa tingin niya ay tatawanan lamang sila nito at huhusgahan kaya mas mabuti na silang dalawa na lang ng kaniyang asawa ang nakakaalam dahil noon pa lang naman ay silang dalawa lang ang nakakaintindi sa sitwasyon ng isa't isa.

Wala man silang maalala sa past life nila. Saksi naman sila sa pagmamahalan nina Natacio at Acianna at sapat na 'yon para malaman nila na naging bahagi sila ng kasaysayan sa taong 1893.

🇳apag desisyonan na nilang umuwing mag-asawa at habang nag-da-drive pauwi ay kumakanta sila ng kinakanta ng asawa niya kanina no'ng papunta sila sa tahanan ng mag-asawang Malvar.

"Nais kong malaman mo, naging bahagi ka ng buhay ko~ Iibigin kita kahit sa'n man tuwina, sinta~" sabay pa silang kumakanta habang tumatawa.

At sa kalagitnaan ng katuwaan nilang mag-asawa, hindi nila napansin ang paparating na truck na sasalpok sa kanilang kotse at tila ba'y huminto ang takbo ng oras nang mabasag ang windshield ng kotseng sinasakyan nila at natagpuan na lamang niya na duguan ang asawa pati na rin siya.

Kahit na nanginginig at umaagos ang mga luha sa mga mata niya ay nagawa pa rin niyang hawakan ang kamay ng asawa na wala ng buhay. Bago niya ipikit ang mga mata ay inisip niya ang mga anak nilang maiiwan.

"M-mahal n-namin kayo ng D-daddy niyo. . ."

Iyon lamang ang huling nasabi niya bago ito tuluyang mawalan ng buhay kasama ang mahal niyang asawa.

𝚃𝚑𝚎 𝚁𝚎𝚒𝚗𝚌𝚊𝚛𝚗𝚊𝚝𝚒𝚘𝚗Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon