Chapter 1 Bestfriends

32.6K 1.1K 72
                                    

"I hope you know that every time I tell you to get home safe, stay warm, have a good day, or sleep well, what I am really saying is I love you. I love you so much that it is starting to steal other words meaning from my mouth."


Eira POV


 First day of school... haist. I just can't believe that I'm already in college. Parang kailan lang nasa grade school pa lang ako, and now I'm on my first step in achieving my dreams. To become a teacher.

Bumangon na ako sa kama at masiglang nagtungo sa loob ng banyo para makaligo na't makapaghanda sa pagpasok sa school.

Napakunot noo ako ng makarinig ako ng sigawan habang pababa ako ng hagdan. Naabutan ko sina mommy Rain at ang twin brother ko na si Cloud sa may living room.

"No, mommy!" Narinig kong sigaw ni kuya.

Yes, he's my twin and yet I'm calling him kuya dahil mas nauna siyang iniluwal ni mommy kaysa sa akin.

"Hindi ako papayag!" Galit na sabi ni kuya kay Mommy.

Nagsalubong naman yung kilay ni mommy at humakbang papalapit sa kanya. "Aalis ka ng bansa sa ayaw at sa gusto mo." Maawtoridad na sabi niya.

Natigilan ako sa may punong hagdan at napapangangang nagpapalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.

Ang aga-aga... it's a beautiful Monday morning. Didn't they know that? Napailing-iling na lang ako. Lagi na lang silang ganito na dalawa... haist.

"Mahal na mahal ko si Ava." Katwiran ni kuya. "Hinding-hindi ako papayag na ilayo niyo ako sa kanya. I'm on my legal age, I'm eighteen for Christ's sake! I don't need your consent!"

Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni mommy. Napamulagat ako at napasinghap sabay takip sa bibig ko. Ngayon lang 'to ginawa ni mommy kay kuya.

"Tama na yan." Lumabas naman mula sa pinto papuntang kusina si mama Snow at sinaway silang dalawa. "Let's eat breakfast first."

Pumalakpak naman ako saka lumapit sa kanilang dalawa. "Ang galing!"

"I know right." Mayabang naman na sabi sa akin ni kuya.

Niyakap naman ako ni mommy at hinalikan sa noo. "Ayos ba yung acting namin ng kuya mo?" Nakangiting tanong niya sa akin.

"Opo, mommy." Nakangiting sabi ko. "Pero mukhang nabawasan yata ang pogi points ni kuya." Sabay nguso sa namumulang pisngi ni kuya Cloud.

Napangiwi naman si mommy ng makita yung pisngi ni kuya na nasampal niya. Mabilis siyang lumapit dito at hinawakan siya sa pisngi.

"Sorry, sweetheart." Sabi ni mommy sa kanya.

"It's okay mom." Nakangiting sabi ni kuya. "It's part of our job."

Lumapit naman ako kay mama Snow at hinalikan siya sa pisngi. "Morning ma." Bati ko sa kanya.

Niyakap naman niya ako. "Morning too, sweetie." Saka ako inakbayan pagkatapos. "Halina kayong dalawa. Papasok pa 'tong si Eira sa school."

Inakbayan naman ni kuya si mommy at sabay sabay na kaming pumasok sa loob ng dining room.

"You have to eat, anak." Sabi ni mommy na katabi ko sa may bandang kanan ko ng mapansing konti lang yung pagkaing nasa plato ko. "First day of school, dapat kumain ka ng madami para marami ka ding energy."

Napangiti naman si kuya na kaharap ni mommy sa hapagkainan habang si mama Snow naman sa may kabisera.

"Hon, ginagawa mo namang bata yang si Eira." Komento ni mama. "Dalaga na yan." Dagdag pa niya. "Baka nga mamya niyan may ipakilala na sayong boyfriend."

In Secrets (Montalban Gray - Cervantez Clash)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon