Chapter 15 BF - BestFriend or BoyFriend?

17.5K 959 261
                                    

"Ever love someone so much you'll settle for being friends just to have them in your life?"


Eira POV


Patakbo akong pumasok sa loob ng condominium building, ni hindi ko na napansin yung pagbati sa akin ng guard. Mabilis akong pumasok sa loob ng elevator at pinigilan yung pagbuhos ng luha ko dahil may iba akong kasabay paakyat.

Pagkabukas pa lang nung elevator, agad na akong lumabas at lakad takbo kong tinungo yung pintuan ng condo ni Asher. Pipihitin ko na lang sana yung doorknob ng bigla iyong bumukas.

"O, Eira!" Parang nabigla pa si Asher ng makita ako sa labas ng pintuan. "Did you kick his ass?"

Umiling iling ako at napatakbo payakap sa kanya. Nabitawan pa niya yung hawak niyang bin bag. Hindi ko na napigilan yung sarili ko ng kumawala ang malakas na paghagulgol ko habang nakayakap sa kanya ng mahigpit. Yung parang kapag bumitaw ako o siya parang tatangayin ako ng alon.

"Hey..." Sambit niya sabay hagod nung likod ko.

"Wala na kami ni Craig." Hayag ko sa pagitan ng paghikbi ko. "Nakipaghiwalay na ako sa kanya kanina."

"H-ha?" She mumbles in disbelief.

"Asher!" Iyak ko at mas lalo ko pa siyang niyakap ng mahigpit.

Hindi siya kumibo at narinig ko na lang yung pagsara ng pinto. Gumanti din siya ng yakap at panay ang hagod niya sa aking likod.

"Iiyak mo lang yan." Anas niya.

Ako naman, mas lalo pa akong pumalahaw ng iyak. Ang sakit lang kasi. Akala ko kasi masaya, masarap at puno ng kulay ang magmahal, pero bakit ganun? Bakit kailangang makaramdam ka ng sakit? Bakit kailangang saktan ka ng taong mahal mo? Yung inakala mong ideal man mo? Bakit?

Sa likod ng pag-iyak at sakit na nararamdaman ko, I'm always thankful na nandiyan si Asher para saluhin ako, para damayan.

Buti pa siya, hindi ako sinasaktan, hindi niloloko at mas lalong hindi iniiwan.

--------------------------------

"Hey..."

Mabilis akong napapunas ng luha ng marinig ko yung boses ni mama Snow. Umuwi muna kasi ako sandali dito kina mama, parang kailangan ko ngayon yung presensiya ng pamilya ko.

"Ma..." Bahagya pang nag-crack yung boses ko kasabay ng pagbaling ko sa kanya ng tingin.

She smiled a little at me but it didn't reach her eyes. Ramdam ko yung lungkot niya sa nangyare sa akin. Si kuya Cloud galit na galit kay Craig. Si mommy Rain naman nakikiiyak sa akin dahil sa first heartbreak ko daw. Si mama lang ang hindi kumikibo kaninang nagsabi ako sa kanila pagdating ko dito sa bahay. Nananatili lang siyang walang imik though ramdam ko yung lungkot niya sa mga titig niya sa akin.

Naupo siya sa tabi ko at nakitanaw sa malayo. Tanaw mula dito sa kinauupuan kong bubong yung mga ilaw mula sa malayo.

Simula kasi nung marunong na akong umakyat, at nakita ko yung katahimikan, ganda at presko ng hangin dito sa may bubong namin, dito ako naglalagi kapag malungkot ako o pag pinapagalitan ako nina mama noon. Para kasing nakakapag-isip ako ng maayos dito. Parang mas madali sa akin to sort things out pag payapa at tahimik yung paligid ko. At kung ako lang mag-isa.

I heard her inhale exaggeratedly. "Ang sarap pala ng simoy ng hangin dito." Komento niya. "Very refreshing." Dagdag pa niya habang nasa paligid naman ang tingin.

"Oo nga po eh." May bahagyang ngiting tugon ko.

Ilang sandaling katahimikan ang namayani pagkatapos nun. Parang nakikiramdam muna siya sa akin.

In Secrets (Montalban Gray - Cervantez Clash)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon