Chapter 30 Wide Awake

15.8K 830 187
                                    

"Falling for you was like taking an afternoon nap. Promising myself only a brief slumber, but as soon as I had fallen, I was already dreaming."


Eira POV


Since hindi naman ako makakalabas ngayong umaga ng Biyernes, our third day here in Batangas, dahil sa namamaga pa ring paa ko, kaya nakahilata ako ngayon dito sa kama. Dinalhan nga lang nila ako ng agahan dito sa kuwarto eh. Nabibingi na yata yung tenga ko sa sobrang tahimik.

Haist... I puffed out breath. Ang boring. Tahimik kong himutok. Napatingin ako sa paa kong may bandage. Ikaw kasi eh! Parang timang lang na sisi ko dun sa wala namang ginagawang paa ko.

Napabuntong hininga ako ng pagkalalim-lalim saka pinalobo ko yung magkabilang pisngi ko sabay tingala sa puting-puting kisame.

Ano bang magandang gawin, pampalipas oras? Tiyak kasi na nasa labas na yung mga kasama ko at abala na sa pag-aayos nung venue nung engagement party ni Asher.

Ewan ko ba ba't bigla akong nalungkot sa isiping iyon. Nahahati ako sa dalawa sa totoo lang. May part sa sarili ko na masaya para kay Asher dahil alam ko naman at nakikita ko naman na magiging masaya siya kay Clary. Pero may part din sa akin na gusto ko siyang pigilan. Na parang gusto ko siyang sabihan na kung pwede i-postpone na lang muna niya yung pagpapakasal niya.

Haist... Muli na naman akong napabuga ng hangin. Pakiramdam ko ang selfish ko at ang sama sama ko dahil sa naisip kong iyon. Alam kong hindi iyon maganda at hindi yun magdudulot ng mabuti sa lahat.

Tatlong magkakasunod sunod na katok sa pintuan ng kuwartong inuokopahan ko ang pumukaw sa aking atensyon.

Napabangon ako sa kinahihigaan at naupo sa kama. Sinuklay ko yung buhok ko gamit ang aking mga daliri.

"Eira?" Si Lily lang pala.

Para akong nakahinga ng maluwag ng malamang si Lily lang pala yung nasa labas ng kuwarto ko. Sabagay, sino bang inaasahan ko?

Asher, perhaps? Aniya ng aking isipan.

Simula kasi kahapon, parang nabawasan yung animosity sa pagitan naming dalawa. Nakikipag-usap na siya sa akin, minsan nilalapitan niya ako para kumustahin yung paa ko. Katunayan nga gusto na naman sana niya akong kargahin pauwi pero mas pinili kong kay Brooklyn na lang sumampa. Nakakahiya kasi sa kanya, siya na nga kumarga sa akin nung papunta. Ayoko namang abusuhin yung kabaitang ipinapakita niya sa akin.

"Eira?" Muling tawag niya sabay katok ng sunod-sunod. "Buhay ka pa ba diyan?" May inip sa kanyang tinig.

Tingnan mo talaga 'tong babaeng 'to. Napalabing himutok ko sa loob-loob ko.

"Pasok!" Sabi ko na lang.

Unti-unting bumukas yung pinto at iniluwa nun si Lily na may hawak na tray at tsaka kung ano pa yung nakaipit sa kilikili niya.

"I was thinking if you were lonely, lying here by yourself all alone." Saad niya habang naglalakad papalapit sa kama.

"I'm fine, Lily." May bahagyang ngiting sabi ko. Na-touch naman ako sa pag-aalala niya sa akin. "Thanks for the concern though."

"Of course, I am concern!" Bulalas niya. Inilapag niya sa bedside table yung iPad na nakaipit kanina sa kilikili niya at tsaka sa tabi ko naman yung tray na may lamang sliced oranges and apples. "Inisip ko, paano na yung plano natin? Wala na, mami-miss na natin yung chance na maagaw si Asher kay Clary kung nandito ka naman sa loob ng kuwarto. Useless."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Akala ko pa naman concern ka talaga sa akin." Nadidismaya at may bahagyang hinampong sabi ko.

Natawa siya. "Just kidding!" Sabay pabiro akong hinampas sa braso. "Syempre naman, concern ako sayo 'no! Kaloka ka." Saad niya na ikinangiti ko na. "Kahit naman na ayokong tanggapin, naging close na rin naman tayo kahit papaano."

In Secrets (Montalban Gray - Cervantez Clash)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon