Chapter 5 Making it Hard

17.7K 848 111
                                    

"I choose to love you in silence, for in silence I find no rejection. I choose to adore you from a distance, for distance will shield me from pain. I choose to hold you in my dreams, for in my dreams you have no end."



Asher POV



"Bye mom." I bid as I kissed her left cheek.

"Ingat kayo." Paalala niya sa amin.

"Alis na po kami tita." Isa-isang paalam ng mga pinsan ko na sina JC, Kreme, Brooklyn at si Irish na kadarating lang daw kanina galing sa tournament sa Batangas. Sinamahan siya ng lolo't lola Maniego niya dahil nga nagkasakit si tita Celine ng ilang araw. Magaling kasi si Irish maglaro ng polo.

Hindi sumama si Harper sa kapatid dahil pinagbawalan daw ni tita Hailey na lumabas sa gabi. Paano naman kasi itinakas daw niya yung sasakyan ni tita Stef. Hindi pa kasi siya pinapayagang magmaneho mag-isa dahil nga bukod sa menor de edad pa, walang lisensya, reckless pa! Grounded siya tuloy.

Magkakasakay silang apat sa SUV ni Brook dala ang ibang gamit ni Eira na nakasakay naman ngayon dito sa kotse ko, nasa backseat naman ang kapatid kong si Ryleigh.

Past nine in the evening, ayon sa digital clock sa may dash board ng kotse ko. Nagkukwentuhan sina Eira at Ryle tungkol dun sa nalalapit na tournament na sasalihan ng MGU.

"Malakas ang paniniwala ko na mananalo ang MGU Lady Spikers." Narinig kong sabi ni Eira na sa akin nakatingin. "Lalo na't maglalaro yung bestfriend ko." Saka isinandal yung ulo sa balikat ko.

"Thanks for the vote of confidence, but don't be too sure." Bahagyang nakangiting sagot ko.

"Ang galing galing mo kaya." Kontra niya. "Di ba, Ryle?" Naghanap pa ng kakampi. "Superstar 'tong ate mo?"

Napansin ko yung nang-aasar na ngisi ni Ryle sa may rearview mirror. "Oo, magaling talaga yang si ate." Pagsang-ayon niya na ikinangiti ko. "Pero may pagkatorpe nga lang." Mahina lang yung pagkakasabi niya nung huli pero narinig ko pa rin.

"Ha?" Napakunot noong tanong ni Eira.

"Wala." Tugon ni Ryle na sinulyapan ko ng makahulugan sa may salamin. "Ang sabi ko magaling naman talaga siya. At isa siyang superstar pagdating sa court." Parang ayoko ng susunod na sasabihin niya. "Pero pagdating sa puso ng taong mahal niya, waley."

Napadiretso ng upo si Eira. "At sino naman yung taong yun?" Clueless na tanong niya.

"Nagpapaniwala ka diyan kay Ryleigh." Ako na ang sumagot.

"Sino yun?" Tanong niya sa akin. "Ba't wala kang sinasabi sa akin?"

"Wala nga yun." Sabay mabilis na sumulyap sa kanya. Kunot na kunot yung noo niya.

"Ikaw ha?" Kunwari pang nagtatampong sambit niya. "Ako yung bestfriend mo pero di ka naman nagsasabi sa akin ng tungkol sa love life mo."

Kunwaring natawa ako ng bahagya. "Nagpapaniwala ka kasi diyan kay Ryleigh!" Saka sinulyapan ng may babala yung kapatid ko.

"Nagbibiro lang ako." Bawi ni Ryle.

Mababatukan ko talaga ang kapatid kong 'to. Haist.

Hindi siya agad nakakibo. "Okay." Tsaka ulit bumalik sa pagkakasandal ng ulo sa balikat ko. "Basta pag may gusto ka na sabihin mo sa akin ha? Para makilatis ko." Dagdag niya.

"Opo." Nakangiting sabi ko.

Kung alam mo lang Eira na ikaw yun. Kung alam mo lang...

Namayani na ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Napansin ko naman yung tingin sa akin ni Ryleigh. May simpatya yung bahagyang ngiti niya sa akin.

In Secrets (Montalban Gray - Cervantez Clash)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon