Chapter 14 Just Say It

15.9K 929 135
                                    

"It sucks because you're out there falling in and out of love with people who aren't me." -Asher


Eira POV


"Please Eira, let's talk."

Napabuntong hininga ako ng malalim pagkabasa ko ng text message sa akin ni Craig. Ilang ulit na siyang tumatawag pero hindi ko sinasagot. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko, parang napapagod ako sa relasyon namin or what. Hindi ko na alam. Lalo na ngayon, parang nagkaroon yata ng leak sa media na nakitang dumadalaw dito sa condo si Craig. Kaya minsan naka-hoodie na ako pag lalabas ng bahay.

Haist... I don't know what to do anymore. Akala ko masaya, maganda ang ma-in love, to think this is my first time to feel this. Yung first time magkaroon ng boyfriend. Pero lahat ba ng napapanood ko noon na romantic movies, nababasang romantic stories hindi totoo? Na gawa-gawa lang yun ng malikot na imahinasyon ng writer?

Pero iba naman kina mama... sa mga Montalban... sa mga kaibigan ko. Ano ba talaga?! Ano bang totoo sa hindi? Alin ba ang ipinagkaiba?

"Eira."

Sa biglang pagbaling ng mukha ko, nauntog yung noo ko sa bakal na siyang nagsisilbing pader nitong bleacher na kinauupuan ko. Nandito kasi ako ngayon sa open field ng school. Gusto ko muna kasing mapag-isa. Yung mga kaibigan ko baka nasa cafeteria ngayon.

"Aray..." Napangiwi at napahawak sa nasaktang noo na daing ko.

Mabilis na lumapit sa akin si Asher. "Patingin." Sabay hawak sa baba ko na sabi niya.

"O-okay lang ako." Tanggi ko.

"Eira." Saway niya sa akin. Tiningnan pa ako ng may babala.

Kaya naman wala na akong nagawa ng iniangat niya yung baba ko para magpantay ang aming mukha. Tinanggal din niya yung kamay kong nakatakip sa noo ko.

"Namumula na." Komento niya na nakatingin lang sa noo ko.

Noon ko lang napansin na sobrang lapit na pala ng mukha niya sa mukha ko. Sa malapitan man o sa malayo, ang ganda ni Asher nangingibabaw pa din. Wala akong maipintas sa kinis ng mukha niya. At yung mga mata niyang kulay asul, ang ganda ganda pala sa malapitan. Para lang akong nakatingin sa makulay na dagat. Payapa... malinis tingnan...

Naramdaman ko yung banayad na pag-ihip niya sa noo ko. Yung bagay na ginagawa sa akin noon ni mommy kapag napupuwing ako. Para daw mas mabilis gumaling at hindi masyado masakit.

"Hayan para hindi na masyado masakit." Parang nakikipag-usap sa batang saad niya. "At mabilis na yan gagaling."

May katotohanan kaya yung mga sinasabi ng mga kaibigan ko na posibleng magkagusto sa akin si Asher? Aniya ng aking isipan. Pero...

Napailing ako dahilan para mabitawan niya yung baba ko sa pagkakahawak niya. Bahagya siyang napakunot noo sa pagtataka.

Imposible yun. Katwiran ng aking kalooban. We're bestfriends. Di ba nga parang kapatid na yung turingan namin? Parang iisang angkan na nga lang yung pinanggalingan naming dalawa.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya at bahagyang lumayo sa akin.

"O-oo." Sagot ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nailang sa kanya. This is so unusual. "Okay lang ako." Sabay hawak sa noo ko. "Nagulat lang kasi ako nung tinawag mo ako."

"O!" Bulalas niya. "I'm so sorry." Agad na hingi niya ng paumanhin. "I didn't mean to surprise you."

"It's okay." Maagap na sagot ko na may konting ngiti sa labi. "Bakit ka pala nandito?"

In Secrets (Montalban Gray - Cervantez Clash)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon