THE FIFTH FALL"G-gusto ko lang sana bumisita. K-kasi. . ." Tugon niya, medyo nauutal at halatang kinakabahan.
"Kasi ano?" Nagtatakang tanong ni Rie.
Kahit ako ay naghintay sa sagot niya. Si Alpha naman ay nakatitig na din, tila interesadong malaman na din ang sagot ni Aris.
"K-kasi may atraso ako sa inyo. . ." Napayuko ito at umiwas ng tingin sa amin.
Natawa si Rievel sa sinabi nito, "At ano naman 'yang dala mo, kups?" tanong ni Rie.
Napaangat ang ulo ni Aris at gulat na tumingin kay Rie sunod sa paper bag na hawak-hawak niya, "A-ah heto?" taas niya sa paper bag. "P-pagkain. . . nagdala din ako ng CDs, yayayain ko sana kayo na manood ng movies. . k-kung gusto niyo?" nahihiya pang tugon nito.
Napailing ako habang nakangiti, "Ganiyan ba mag-sorry ang isang Allejo? Gumagastos?" umiiling pa rin akong lumapit sakanya.
Napakamot siya ng batok at naiilang na ngumiti, "M-maybe? Y-yeah. ."
Bigla na lamang lumapit sakanya si Alpha at kinuha ang paper bag. Nilabas niya ang mga laman nito.
Dalawang Doritos, Isang Cheetos, Tig-isang bote ng Coke at Royal, at marami pang ibang pagkain. Nilabas niya din ang mga CDs. Mayroon doon ang Assassin's Creed, Kingsman, Percy Jackson, at marami ding iba pa.
'Di ko akalaing nagkasya ang lahat ng iyon sa iisang paper bag. Sabagay, malaki naman kasi.
"Movie marathon? Unahin natin 'yung Assassin's Creed!" Biglang sigaw ni Rie sa gitna ng katahimikang bumalot sa lugar.
"No, maybe mas maganda itong Kingsman." Tutol ni Alpha sa desisyon ni Rie.
"Ano ka ba, Alphacier! Mas maganda 'tong Assassin's Creed!"
"Kingsman."
ぬ
"Holy sh*t! Nakakaalala na siya! Magbabalik na!" Sigaw ni Rie sa gitna ng panonood namin.
"Sana hindi ka nalang nanood, Rie. Puro ikaw lang naririnig namin, eh." Reklamo ni Aris.
"Shhhhtttt!" Saway ni Rie kay Aris.
Umirap si Aris at pinagpatuloy ang panonood. Ako naman ay tumayo para kumuha ng tubig sa kusina. Inubos kasi ng walang hiyang si Rie.
"Where are you going?" Biglang tanong ni Alpha nang makatayo na ako.
"Kukuha lang ako ng tubig."
BINABASA MO ANG
The Art of Falling (COMPLETED)
Short Story(BIF BOOK 2) Now that everything has changed. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nakakalito. Nakakabaliw. Ano na ang gagawin ko? May mga bagay na bumalik, mga bagay na nawala, mga bagay na biglaan na lang dumating, pero tatanggapin ko lahat. Ang saki...