THE THIRD FALL"Wow! Amazing! Ang ganda naman ng kwento mo, Aris! Nakaka-amaze, grabiiiiihhh!" Kasabay ng pag-tili ni Rie.
Napakunot ang noo ni Aris sa inakto ni Rie, "Crazy woman." sabay iling.
Biglang sumagi sa isipan ko ang isang bagay.
"Uy! Oo nga pala, hindi pa tayo magkakakilala." Tugon ko nang maalalang hindi pa kami nagpapakilala kay Aris.
"It took you long enough to realize, Rem." Sabay irap ni Alpha.
Napakabading talaga nitong lalakeng ito.
"Tss." bumaling ako kay Aris. "Remember Evel Rizalde." sabay ngiti sa kaniya.
Tumango ito, "Kaya pala Rem. Ang unique pala ng pangalan mo! Bagay na bagay sa'yo." sabay tapik niya sa braso ko.
Sumingit si Alpha at naglahad ng kamay, "Alphacier Dior Primo." tugon nito gamit ang malamig na tono.
Kanina ko pa talaga napapansin ang pagiging cold niya. Hindi naman siya ganito, ah? Mukhang may problema. Ano kaya?
Inabot ni Aris ang kamay niya, "Nice to meet you, bro! Mukha kang masungit, pero ang ganda din ng pangalan mo, pre! Nice nice!" sambit ni Aris.
Natawa si Rie at nagsalita, "Rievel Reus, bading!" tugon ni Rie sabay tapik sa ulo ni Aris.
Kinunotan siya ng noo ni Aris, "Kanina ka pa, ha!" naiiritang tugon ni Aris kay Rie.
Tumawa si Rie at tumakbo palayo kay Aris, at si Aris naman ay hinabol siya. Masaya si Rie ngunit ang makikita mo naman sa mukha ni Aris ay puno ng pagkairita sa babaeng nang-aasar sa kaniya.
Bigla na lamang akong hinila ni Alpha. Marahas ito at halos mapatid ako sa paghila niyang ginawa sa akin. Kita ko ang galit sa mga mata niya.
Sinasabi ko na nga ba. Galit siya. Sa akin?
"M-may problema baㅡ"
Tumigil siya sa paghila sa akin nang makarating kami sa corridor na walang tao. Bumaling siya sa akin gamit ang walang emosyon niyang asul na mata. Nakakapangilabot ang paraan ng pagtitig niya sa akin. Para bang anytime ay bubugahan niya ako ng apoy sa sobrang galit.
"Yes, meron. May problema. Kanina pa. Hindi ko na mapigilan. I'm feeling so frustrated ever since that guy came. Kanina ka pa ngiti ng ngiti sakanya, Evel!" Tuloy-tuloy na sinambit niya.
Halos mapaos na yata siya dahil napakalakas noon. Ang mga ugat niya'y halos magputukan na. Kita ko ang mabilis na paghinga niya at ang pawis niya sa nakakunot niyang noo. Bumaba na din ang maiikling parte ng buhok niya. He looked hot and scary, both at the same time.
BINABASA MO ANG
The Art of Falling (COMPLETED)
Proză scurtă(BIF BOOK 2) Now that everything has changed. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nakakalito. Nakakabaliw. Ano na ang gagawin ko? May mga bagay na bumalik, mga bagay na nawala, mga bagay na biglaan na lang dumating, pero tatanggapin ko lahat. Ang saki...