The First

21 1 0
                                    


THE FIRST FALL

"What are you doing here, Laine?" Tanong ni Alpha sa babae, mababakas ang pagka-galit sa tono ng boses niya.

Bigla na lamang ngumiti si Laine at lumapit kay Alpha, kasabay nito ang paghawak niya sa braso nito, "I miss you already. Ang tagal mong bumalik sa room." malambing nitong tugon.

Nakita ko ang pag-irap ni Rie at ang pagbuntong-hininga ni Therd, "Inaasikaso ko pa si Remember." seryosong tugon naman ni Alpha at kasabay nito ang pag-tanggal niya sa braso ni Laine na nakahawak sakanya.

Lumingon sa akin si Laine. Pansin sa tingin niya ang inis, ang galit at pagkairita sa akin dahil nga laging ako ang binabanggit ni Alpha. Laging ako ang rason niya. Laging ako.

"Oh well, lagi naman. Mukhang okay naman na siya, Dior. Let's go." Tugon nito at kasabay no'n ang pag-irap niya sa akin.

Hinila niya si Alpha palabas ngunit hindi nagpatinag si Alpha. Nanatili siya sa pwesto niya. Hindi man lang niya nilingon si Laine. Sa akin lang. Sa akin lang nakabaling ang atensyon niya, Animo'y mas gugustuhin niyang dito nalang siya sa akin kaysa sa tabi ni Laine.

"No, I'll stay. Aasikasuhin ko si Remember kahit okay na siya." Tugon naman ni Alpha habang nakatingin pa din sa akin.

Bigla na lamang sumama ang tingin ni Laine. Napatingin ito sa akin. Mas lalo itong sumama nang tanggalin ni Alpha ang kamay niyang nakahawak sa braso nito.

"What's wrong with you?! You'd prefer to be with her than to be with me?! Are you out of your mind?! I'm better than that woman, Dior! Don't you choose her over me!" Nanggagalaiting sambit nito habang nakaduro sa akin ang kaniyang kanang daliri.

Bigla na lamang umamba si Rievel na lalapitan si Laine dahil sa inis ngunit pinigilan agad siya ni Therd, "'Wag mong maduro-duro si Rem, ikaw babae ka! Walang hiya ka! 'Wag na 'wag mong minamaliit si Remember! Dahil kung tutuusin kapag ipinagtapat kayong dalawa at pinapili mo si Alpha, si Remember ang lamang! Kaya 'wag kang ano, 'teh! Maganda ka lang! Nakikisali ka na nga lang dito ang lakas pa ng loob mong mag-tantrums!"

Tinanggal niya ang pagkakahawak sa kaniya ni Therd at naupo sa sofa sa gilid.

"Ugh!" Nairitang tugon ni Laine at nilisan ang silid.

"Siya pa ang galit! Kapal ng mukha!" tumayo si Rie at tinapat sakanya si Alpha. "Hoy. Ikaw Alpha, kausapin mo 'yang walang hiyang babae na 'yan! Ang lakas ng loob na pumasok dito tapos mamaliitin pa si Remember! Hindi pwede 'yon, ha!" kasabay ng pag-irap at pag-upo niyang muli.

"Kaya nga, Alpha. Wala namang ginagawa sakanya si Rem." Pagsang-ayon ni Therd.

"Para kayong mga tanga. Wala lang naman sa'kin 'yun, 'no. Hindi naman ako nasakta"

The Art of Falling (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon