The Last Fall

14 1 0
                                    


THE LAST FALL

Gusto kong isipin na sana panaginip lang ang lahat ng ito. Na sana hindi totoo ang nangyari kagabi sa rooftop. Kasalanan ko ang lahat. Pakiramdam ko ay parang pinatay ko na din siya.

"Remember, please wake up. 'Wag mo namang gayahin si Alpha."

Nagising ang diwa ko sa malakas na boses at yugyog sa akin ng kung sino. Iminulat ko ang mga mata ko. Agad na bumungad sa akin ang mukha ni Rie na halatang kakaiyak lang.

"Rem!"

Nakita ko ang paglapit ng iba pang tao sa loob ng silid na kinaroroonan ko.

"Jusko, Rem! Gising ka na!" Gininhawaang tugon naman ni Aris.

Naalala ko ang nangyari sa akin. Hinimatay ako at ang huli kong nakita ay ang mga mata ni Aris. Sinalo niya ako bago pa ako matumba.

Gusto ko sana siyang pasalamatan. Pero may parte sa akin na parang kasalanan iyon kapag ginawa ko. Parang mali iyon. Parang may masasaktan ako kapag ginawa ko iyon.

"Rem, ayos ka na ba? Naririnig mo ba kami? Rem!"

Patuloy ang pagyugyog nila ng kaunti sa akin. Hinawi ko ng kaunti ang kamay niya, senyas na ayos na ako. Binigay ko ang lakas ko sa pag-upo sa kama.

"U-uy! Mahiga ka lang!" Saway ni Rie.

Sinamaan ko siya ng tingin kaya tinanggal niya ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at pinapahiga ako.

"Ano'ng nangyari kay Alpha?" Agad na bungad ko sa kanila.

Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon nila. Napayuko si Aris, si Rie ay umiwas ng tingin, si Therd naman ay biglang uminom sa tubig na hawak niya.

"Ano"

"Inatake siya ng sakit niya, Rem." Biglaang sagot ni Rie.

I was taken aback. Hindi ko alam na may sakit siya. At naalala ko bigla ang narinig kong sinabi niya kagabi. Umalis siya, dahil nagkasakit siya. Ano ang sakit niya? Bakit hindi niya sinasabi sa amin? Bakit hindi niya sinabi sa akin?

"Ano'ng sakit niya?" Kinakabahang tanong ko sakanya.

Sumeryoso ang tingin niya at umayos ng tayo, "Sa puso, Rem. Sa puso."

Ang pananakit ng puso ko'y bigla na lang bumalik. Ang kirot ng sinabi niya sa akin kagabi. Kung paano nagdulot sa akin 'yon ng matinding sakit. Hindi ko na alam. May sakit pala siya.

"Is he fine?"

"Hindi pa siya gising pero maayos na ang lagay niya."

Nakahinga naman ako ng maayos. Nakaramdam ako ng ginhawa. Okay na siya, Rem. Maayos na ang lagay niya kaya kailangan mo nang manahimik.

The Art of Falling (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon