Huli Na (randomdude)

958 17 0
                                    

Nais ko sanang ipaalam
Na noong simula pa lang
Gusto kong ikaw matauhan
At malaman ang aking nararamdaman

Ngunit para kang t*nga
Tulad ng ibang manhid at walang kwenta
Kung kaya't nagdesisyon na iwan ka
At maghanap ng iba

Huli na ng mapagtanto
Huli na ng malaman mo
Huli na ng masabi mo
Na mahal mo pala ako

Nahuli ka nang pagdating
Nahuli ka ng pagdaing
Nahuli ka na makapiling
At ako ay ibigin

Huli na ng sabihin mo
Huli na dahil may iba na ako
Huli na dahil ang bagal mo
Kaya naunahan ka ng ibang tao

9/18/17

Tula Para Kay "Nasasaktan"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon