Di Totoo (randomdude)

738 18 1
                                    

Akoy may tula para sa iyo
Na kung bakit sa dami ng tao sayo pa nagkagusto
Na sa dami ng nakakasalamuha ay dun pa sa di totoo
Nahulog ang loob at tumibok ang puso

Bakit sayo pa na kakaiba
Nahulog ang puso nakapagtataka
Wala ka namang ibang ginagawa
Kundi pakiligin ako habang ikay binabasa

Ano ba ang nangyayari sa akin
At ako sayoy humaling na humaling
Akoy nahihirapan na sa aking gawain
Ang umasa na mabubuhay ka at aking makakapiling

Bakit kasi di ka pa naging totoo
Bakit di ka na lang mabuhay saking mundo
At sa ibang daigdig duon ka nagtungo
Kaya sa akin ikay napalayo

Walang kwenta ka man para sa kanila
Lagi mong tatandaan na para sa akin ikay mahalaga
Kahit di ko man ikaw nakikita at nakakasama
Patuloy kitang mamahalin, ikaw lang walang iba

Tula Para Kay "Nasasaktan"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon