Sa Larangan ng Pag-ibig (randomdude)

943 24 1
                                    

Sa larangan ng pag-ibig hindi lahat nananalo
Minsan may mga taong minamalas at natatalo
Gawin man natin lahat pilit pa ring may mabibigo
Kinalulungkot ko mang sabihin , isa ako sa mga ito

Pagdating sa pag-ibig, ito ay may dalawang kategorya
Ang malalakas ang loob umamin at ang mga duwag na takot magtapat ng nadarama
Ang malalakas ang loob na sumugal kahit di nila alam ang resulta
At ang mga duwag o torpe na ayaw magtapat kung kaya't hanggang tingin na lang sila

Nakadidismaya ngunit madalang ang mga taong ganito
Na kayang magtapat ng kanilang saloobin kahit di sigurado
Kahit alam nilang maaaring may masira pag nagsabi sila ng totoo
Wala silang pakialam dahil mas gusto nilang maging diretso

Kung minsan mas nanaisin pa ng tao na magpakaduwag
Di nila iniinda ang kanilang nararamdaman na sa kanila'y bumabagabag
Mas gugustuhin nilang manahimik at magpakabulag
Upang ang puso nila ay huwag mabasag

Kailan kaya sila magigising at matatauhan?
Na kailangan nilang sabihin ang katotohanan
Dahil baka sakali maaari silang masuklian
Nang pagmamahal na kanilang pinaghirapan

Di man ako masaya habang sinasabi ko ito
Mas gugustuhin ko na lang na manatili sa aking pwesto
Kung saan ligtas ako at sigurado
Na di ako masasaktan ng taong minamahal ko

10/30/17

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tula Para Kay "Nasasaktan"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon