***
Ade's POV
" This is Mr. Jared Ravena miss Villamor. Si Mr. Ravena ang iyong magigung tour dito. He will show you around dito sa school. I hope you'll get along with him. "
Whaaaaat? Seriously?
Wala na bang iba? At sa dinami dami ng tao siya pa? Tch'.
So, Ravena pala ang family name niya. hindi pamilyar pero parang narinig ko naito dati kay Papa. Well baka isa sa mga kasosyo ni Papa ang iyon. Hmmmm..
Ravena...
I saw him smirked. Nang-aasar pa talaga siya. tuwang-tuwa at abot tainga ang ngiti. Mukha siyang gago. Hindi ko talaga gusto ang presence niya dito.mula nang una kaming magkita hindi ko gusto ang tindig niya, lahat sa kanya ayoko especially sa ugali.
"I hate you! Mula ulo hanggang paa! Pakyo ka!."
Gusto kong isigaw sa kanya yun. Gosh hanggang dito ba naman makikiya ko pa rin siya.
" The feeling is mutual Miss."
What? napakunot ako ng noo. I think I heard him saying it sa isip ko. Pero nakapaimpossible nun. ughhh parang naloloka na ata talaga ako.
napatingin ako sa kanya at siya rin ay nakatingin sa akin. I glared at him at binigyan siya ng what-the-are-hell-you-looking-at look. Nakangiti kasi itong parang asong ulol. parang ang saya niya pa nalaman siya yung tour guide ko dito.
bakit nga ba siya pa? Mukhang walang alam naman ito. Ang alam lang niya eh mangbwesit tao. Wala akong tiwala sa kanya.Baka pagtripan lang ako niyan at iligaw dito. Tsh'.
Nagkasaby kami kanina pumasok kaya pala kanina ay natanaw ko siya sa may pinto at hinintay pa talaga ako ng loko at ayun nagkasabay kami sapag pasok. Tatanungin ko na sana pero deadma na lang ako at sinamaan siya ng tingin tapos pumasok na dito. Mangpapanggap na lang ako na di ko siya kilala. Tama yun nga! Galing mo talaga Ade.
" Miss Villamor?"
Ha-a? kinakausap nga pala ako ng Dean.
" Ano po iyon ulit Dean? "
" Ayos lang ba si Mister Ravena ang maging tour mo? "
mukhang halata sa akin na ayaw ko sa magiging tour guide ko. Tsk' pero pagsinabi kung ayoko sa kanya baka tanungin lang ako kung bakit at isa pa magpapanggap nga ako na hindi ko siya kilala. Mukhang kailangan kung tiisin ang makasama ang gagong toh.
Oh Lord gabayan niyo po sana ako baka akoy magkasala sa lalaking ito at sa inyo.
I sighed at humarap sa lalaki at sa Dean. I guess wala na akong choice.
" ayos Lang po. " sagot ko. Nag-iba nman ang expression ng mukha nung Jared. Halatang nagulat pero napangisi ulit. May topak ba toh?
" Bueno maaari muna siyang ipasyal dito sa campus at sa kanyang dormitoryo at klase Mr. Ravena. At Ms. Villamor nandoon narin ang iyong mga gamit sa iyong silid bilin ng iyong ama. Nandito na rin yung schedule mo nakalagay sa isang folder."
Si papa? Tsk.'
Tumango na Lang ako sa kanya. Ipinadala na pala niya ang mga gamit ko. parang kilala talaga si Papa dito. Kung sabagay ay dito nga siya nagtapos. At heto ako sumusunod sa yapak niya na labag sa kalooban ko.
" Lets go. " dinig kung sabi ni gagong Jared. Mula ngayon iyon na tawag ko sa kanya. Bwahaha
" Aalis na kami Dean." Paalam niya. Tumango lang naman yung Dean sa amin. Nauna nang makalabas si Gagong Jared kaya sumunod na ko.
Pagkalabas ko ay nakita ko siyang nakasandal sa wall na katabi ng pinto. Naka cross arms pa siya. Andaming alam. Tsh'
Agad naman niya akong nilingun at nagtama ang mga mata namin. Hindi ko alam na maganda pala ang mga mata kung titigan mong mabuti. Kulay brown at ang titingkad ng eyelashes. Wuut? Ano bang sinasabi mo Ade. Gago iyan.
" Alam kong gwapo ako. sanay na rin ako sa mga tinging ganyan. " mayabang niyang sabi sabay kindat.
Ulol niya!
Napakayabang talaga ng Gagong Jared. Tsh.' Saan kaya siya nagmana hindi naman ganun kayabang si Aesus yung kapatid niya pero may kunting dating rin. buti na lang talaga nandoon si Aesus para tulungan. I prefer Aesus than Gagong Jared. Makapagtitiwalaan pa yung si Aesus kaysa kanya. Nasaan na kaya yun ngayon? Nandito rin kaya siya ?
" Tapos kanang pagpantasyahan ako? Kung oo halika na at may mga gagawin pa ako Ms. Villamor " At naunang lumakad.
Tiis lang Ade. Makakaganti ka rin sa kanya!
Sumunod na ako sa kanya nasa hallway kami palabas ng building at pinagtitingan kami o siya? Sikat ba ang isang toh? Naalala ko kaina pinagkaguluhan sila. malayo lang ako sa kanya pero halatang magkasunod kami. yung mga tao dito grabi kung makatitig ang iba ay nagbubulungan. May mga echoserang frog din pala dito? At ako yata ang pinaguusapan. Tss. I hate attention.ayoko maging center of attraction. Kaya nga pinili kung umalis sa amin dahil habang nasa akin ang apelyidong Villamor ay talagang kumpulan ka ng tsismis. Ang maging ama mo naman ay isang sikat at magaling sa business industry. Oh diba? That's why ayoko sa amin.
I have to reach their expection. Hindi pala. Dapat ay malampasan ko iyon. Anong akala nila sa akin Lolo si Galileo, Kapatid si Newton, at anak ni Einstien? Hindi naman kasi ako henyo na magagawa ang lahat. Tao lang ako may pagkakamali,nasasaktan, at nagbabago.
Tao lang ako.
Naglakad lang ako habang nakayuoko habang patuloy lang ako sa paglalakad ay di ko namalayan na nubunggo na pala ako. Hindi naman masakit pero matigas at parang hindi pader ang nabunggo ko. Napaangat ako at laking gulat ko ng matantong dibdib pala ng isang lalaki. Si Gagong Jared. Lagot na!
" Tch.' " rinig kung singhal niya at nakatingin lang sa akin.
Ang lapit ng mukha namin sa isat isa. Kyaaaah! Shocks! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko hindi ko alam ang gagawin. Nakatitig lang siya sa akin. Bakit hindi man lang siya kumukurap? Gosh! Naiilang na ako.
" Ehem! Ehem! "
Mula sa likod rinig kung may tumikhim kaya ay napalingon ako at gulat na gulat. Wtf?
" Ikaw na naman?!" Magkasabay naming sigaw.
Anong ginagawa niya dito.? Uggh another Gago na naman.
***
-C R A Y I S T E N
BINABASA MO ANG
N O M E R C Y
VampireEntering into a school were she doesn't know if she will fit in. Paano kaya kung matuklasan niya kung ano talaga ang St. Bloody Mary? Meet Ade a wanderer. Will she be able to accept the truth behind those lies ? Na ang isang prestigious school na...