A/N: UPDATED!
***
Nandito na ako ngayon sa loob ng bar na hindi ko naman alam ang pangalan nito. Aaahhh! Basta bar ayos na.
Ang ingay dito. Nakakabingi ang music at ang mga tao dito makikita mo talagang mga lasing na. May mga nagsasayawan sa may dance floor at marami ang mga babae gumigiling na may kasamang mga lalaki.
Ang laswa ng mga sayaw nito. Katulad na lamang ng isa diyan na parang sabik na sabik sa katawan ng Babae. Hinahawakan na nito kung saan-saan pero hindi naman umaayaw ang babae.
Ano bang klaseng bar itong napasukan ko.
Hays...
Sa gilid naman ay may nahagilap ang mata ko. Isang lalaki naka upo lamang ito sa isang sofa at nag-iisa. Maya-mayat pa ay may umupo sa kandungan nito.
What the ?
Isang matangkad at maganda na Babae ang umupo sa kanyang kandungan tapos ay hinalikan siya nito. Agad namang tumugon ito. PSH! Mga lalaki talaga.
Napa iling na lamang ako.
Habang naghahalikan sila ay nakatitig lang ako sa kanila. Bale nakaharap ang lalaki sa akin at nakatalikod naman ang babae kung dito titingnan. Teka ? Ba't ko ba sila pinapanood ? Tsss....
Pero iwan ko ba hindi ko mabaling sa iba ang mga mata ko at nakatutok lang ito sa kanila. Bahagya naman napatingin ako sa lalaki at siya namang pagtingin ko ay nakatingin rin ito sa akin.
" Shit " mahina kung mura at nag-iwas ng tingin
Ano ba kasing pumasok sa isip ko at tumingin pa ako doon. Tsk! Nandito ako para makapagwala ng sama ng loob hindi para tumingin tingin lang.
Pumunta ako sa may harapan ng isang bartender at umupo sa isang stool doon.
Umorder ako ng isang inumin tapos ay sinabi ko na yung nakakalasing sa mas lasing pa. Wala namang nagawa yung bartender na lalaki kundi tumango.
May sakit ba tong bartender nila? Namumutla kasi at ang pula ng mata parang may sore eyes. Ang weird ng bar ito bakit ? Kasi karamihan sa mga tao dito naka itim
Wala namang lamay.
Hindi lumipas ang ilang minuto ay nakahanda ang aking inumin. Sa totoo lang ay hindi naman ako umiinom pag naiinis lang o galit.
Kung hindi lang sa inis ay hindi naman ako dito pupunta. Sigh'
Kinuha ko ang basong binigay sa akin ng bartender at tinitigan ito. Kakaiba ang kulay nito pula na itim ?
Ewan..
Tumingin naman ako sa bartender at nakatingin rin ito sa akin.
Problema nito ?
" Bago kaba dito miss ? " tanong niya
Ang lamig ng pagkasabi niya. Wew.
" Ah oo eh " sagot ko sa kaniya
Hinalo ko muna ang inumin ko at akmang iinom ng may humawak sa bewang ko at naharap sa kung sino man toh.
Agad namang kumunot ang noo ko. Ito yong lalaking manyak na sumasayaw kanina na ng hihipo sa babae.
Ngumiti ito sa akin ng wagas at siya namang hindi ko ikinatuwa.
Walang hiyang lalaking toh.! GAGO!
Tinulak ko siya ng pagkalas lakas at agad na lumayo sa kanya. Ngunit mabilis rin ito naka lapit sa akin. Hindi lang ma lapit kundi sobrang lapit niya sa akin.
Naiyukom ko na lang ang kamay ko at nag aabang ng suntukin ang hayop nato. Tsk! Marunong akong makipag away dahil member ako sa school namin sa Martial Arts Club kung saan natututunan namin ang iba't ibang teknik sa pakikipaglaban.
Mas lalo niya naman akong hinapit sa kanya kaya naman lumipad sa mukha nito ang kamao ko at lumpiad ito palayo sa akin. Lumapit naman ako sa kanya tinitigan ito.
Hindi namalayan na nakuha ko pala ang atensyon ng mga tao dito sa bar. Lumapit ang mga ito kung saan naroroon ang lalaking naka higa. Napapalibutan na kami ngayon ng mga tao at sa tingin ko ay malaki itong problema.
Naku naman nandito lang ako para uminom tapos ay heto ang kahahantungan ko ?
Crap! Nakatitig ang lahat sa akin. Na para bang mali ang ginawa ko. Tsss.
Napatingin naman ako doon sa lalaking nakahiga. May sugat ang ibabang labi niya at alam kung ako ang may gawa nun. He deserves it. Ang bastos kasi nito kaya ayan.
Nakita kung napa ngisi siya at tumayo. Inilibot niya ang kanyang ulo tapos ay tumingan sa akin. " What! "ang sarap isigaw sa mukha niya iyan. Tsk!
Lumapit ito sa akin at habang papalapit ito ay bigla namang nag-iba ang kulay ng mga mata niya. Galing sa pagiging itim ay naging purong pula. Napa atras ng naman ako ng kaunti.
Mas lalo namang ngumisi ang isang ito.
Sarap ulit manapak!
Tumingin ulit ako sa gawi niya at nagulat na lang ako ng wala siya dun. Shit! Mahina ko muling mura. Ano bang nangyayari dito ? May mali dito eh. Tama may mali dito at hindi naman ako tanga para hindi iyon mapansin pagpasok ko rito.
Shit!
Kailan kung makaalis dito alam kung may masamang mangyayari. Kinikilabutan ako sa mga titig ng mga tao dito lalo dun sa lalaki parang kakainin ako ng buhay.
Ilang hakbang ay umatras ako pero may naramdaman akong nakaharang sa likod ko at alam ko ang lalaking iyon ang nasa likuran ko.
Paano na itoh ?
Takot iyon ang una kung naramdaman. Nanginginig na ang mga tuhod ko dahil sa takot. Ewan ko ba kanina kung saan ako kumuha ng lakas para suntukin siya.
" Binibini " sabi niya mula sa aking tainga
Arrgggh! Ano ba tong nangyayari sa akin. Sa mga oras na ito takot ang nararamdaman ko ngayon. Marami siyang pwedeng gawin sa kin. Naramdaman ko namang sininghot niya ako sa may leeg. Parang hayop siya kung umamoy.
Pero hindi nagtagal ay bigla akong nanghina, nagdidilim ang paligid ko. Bago ko maipikit ang mga mata ko ay may nakita akong isang lalaki patungo sa gawi naman at doon ay naging itim na ang paligid ko.
***
Kamusta! Ayos lang ba ? :3
-Cejhy
BINABASA MO ANG
N O M E R C Y
مصاص دماءEntering into a school were she doesn't know if she will fit in. Paano kaya kung matuklasan niya kung ano talaga ang St. Bloody Mary? Meet Ade a wanderer. Will she be able to accept the truth behind those lies ? Na ang isang prestigious school na...