Chapter 7

87 3 4
                                    

*ANDREI's POV*

Oo tama kayo, crush ko na nga si Mich.Pero ayokong mawala ang closeness namin sa isa't isa.Pag kasama ko siya nawawala lahat ng problema ko.Sumasaya at halos kumpleto na ang araw ko. Okay, ayoko ng nobela.

-Back to the last scene-

Ang sama ng titig sakin ni Mich, galit na ata to dahil sa ginawa ko.

Tinawag ko si Jonathan para sabihing tigilan na si Mich, tumigil naman siya. Tapos nagtabi tabi kaming mga boys naka hawak sa barrel nila Jazmine.Paiyak na si Mich,pero nagtakip sya ng mukha.Kaya nilapitan ko siya..

*MICH's POV*

~Sorry na...

kung nagalit ka..

di naman..

sinasadya... ~

[SORRY NA- PAROKYA NI EDGAR]

OHH MYYY GEEEEEEE!!!!!!! KAHIT TINAKPAN KO YUNG MUKHA KO SA SOBRANG ASAR, NARIRINIG KO PARIN YUNG PAGKANTA NYA!

TOTOO BA TO?? KUNG PANAGINIP LANG TO, PLEASEEEE!! PLEASEE!! MAMATAY NA MANG GISING SAKIN! PERO HINDI EH, NARARAMDAMAN KO YUNG PAG UPO KO SA SOFA, AT SI ANDREI NA PAPALAPIT SA KIN.

PERO INFAIRNESSSS!! KINILIG AKO NG TODO DUN. HAHAHA!!

"Mich, sorryy naa!!" sabi ni Andrei na pilit tinatanggal yung kamay ko sa mukha ko. Pero syempre pakipot na tayo noh, si crush yan eh! Hahhah!

"Uyy,sorry na!" paulit ulit niyang sinasabi habang ginagalaw galaw yung balikat ko.

Tinaggal ko na yung kamay ko sa mukha ko pero syempre medyo naluha ako, konti lang naman pero yung halong takot at pandidiri ko kanina sa butiki walang arte yun.

Inirapan ko siya tapos pumasok sa loob nila Jazmine. Sumusunod pa rin siya sakin.. sorry ng sorry.

Ayoko siyang nakikitang nagpapa cute baka maging kulay kamatis ako dito mapahiya pa ko.

"Oo na! oo na! " -Me

"Okay na tayo ah?! ok na ah!?"-Andrei

"Oo na, oo na." then I rolled my eyes.

"Jazmine uwi na ko baka mag machine gun nanaman si Mama hahaha joke" masyado nang lumalalim ang gabi at masyado na din akong pinapakilig ni Andrei :">

"Osige Mich, Ingat kayo ah. Bye!" then I smiled at her.

Kasama ko yung limang boys naglalakad palabas ng subdivision. Ang daldal nung tatlo.Ewan ko bakit O.P si Andrei sa kanila kaya kasabay ko siya mag lakad.Tahimik lang kami, walang kibuan, walang nagsasalita.Hanggang sa di ko namalayan nandito na pala kami sa kanto.

Nag ba-bye na sila sakin at nag wave ganun din ako. Pero kahit nakatalikod na si Andrei napapatingin ako sakanya.Papalakad na ako ngayon sa medyo madilim na part malapit sa subdivision namin kailangan ko ng bilisan pag lakad kaya nagmadali na ko pa punta sa bahay namin.

-Sa bahay..- (Sa kwarto ko)

~Sorry na..

kung nagalit ka..

di naman..

sinasadya... ~ nag pa-play pa din sa utak ko yung kanta niya kanina.

Nababaliw nanaman ako. Ngumingiti ako mag isa habang nakatingin sa wallpaper ng cellphone ko. Oops! I forgot kanina pala nung kararating lang namin kala Jazmine nag kukwentuhan kami,katapat ko si Andrei tapos tumatawa siya, di niya alam na pinicture-an ko siya habang tumatawa siya.

At yun yung ginawa kong wallpaper ng cellphone ko.

"Makatulog na nga.." sabi ko sa sarili ko. Masyado nang maraming nakakakilig na nangyari kanina, sa dreamland ko nalang ulit aalalahanin.

-Kinabukasan-

"Mich, may naghahanap sayo sa labas mga kaibigan mo"- lola

"Paki sabi wait lang po" sinilip ko si lola at umalis na siya. Nag palit ako ng t shirt ko at nilabas na sila.

Akala ko mga kaibigan ko lang sa kapitbahay pero sila Jonathan pala.

Ayy, wala si Andrei! Kalungkot naman! Hindi masaya tong araw na to! wala si the love of my life! Charot langss!!

Nag lalaro lang sila at nagkukwentuhan.Di ko alam bakit kailangan dito pa tumambay.

"JONATHAN's POV"

Ang boring naman! walang gadget!

Puro larong physical tong mga unggoy na to! makaheram na nga lang kay Mich!

"Mich peram nga ng cellphone mo! maglalaro lang ako" pagka bigay niya ng cellphone niya,

"Tan, pasok muna ko sa loob may kukunin lng ako.Sabihin mo sa kanila wag masyadong maingay baka magalit yung kapitbahay"

I nodded then in-open na yung cellphone niya.

Pagka swipe ko ng lock niya...

NAKITA KO YUNG PICTURE NI ANDREI!!!!

Siguro gusto niya si Andrei o baka naman, GUSTO NA TALAGA NIYA SI ANDREI?? Sayang wala pa si Andrei papakita ko sana to kung nandito yun.

Oo wala PA si Andrei kasi sabi niya susunod nalang daw siya dito, kaya baka nasa daan na yun.

*ANDREI's POV*

Niyaya nga pala ako nila Jonathan kala Mich! tatambay daw kami.Kaya siguro gusto nila dun kasi maluwag yung tapat nila Mich pwede sila maglaro ng kung ano-ano.

May ginagawa pa kasi ako kaya sinabi ko nalang na susunod ako.

-FAST FORWARD-

Kinuha ko na yung bike ko.Yun yung lagi kong ginagamit kapag gumagala ako.

Nasa malayo palang ako pero tanaw na tanaw ko na yung mga kaklase ni Mich.

"Uy nandyan na pala si Andrei eh" sabi ni Christian.

"Mich! nandito na si Andrei!!!" napalingon ako kay Jonathan.Gamit niya yung cellphone ni Mich, naglalaro ata.Tinabi ko na sa isang gilid yung bike ko.

"Tan, peram nga niyan" tapos binigay niya sakin.

Napindot ko bigla yung HOME button at... at... at...

AKO YUNG WALLPAPER NI MICH??

Natulala ako sa nakita ko at napatingin bigla sa babaeng palabas ng gate, si Mich. Napatingin siya sa akin at "Andrei..." mukhang alam na niya na nakita ko ang wallpaper niya.

Pero di ko alam kung bakit kinuha ko yung bike ko at umalis. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit feeling ko gusto ko lumayo sa kanya? Dahil ba ayaw kong mawala ang friendship namin? O ayoko lang malaman nya na may gusto din ako sa kanya? Di ko na alam ang gagawin ko.

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon