PROLOGUE

191 12 5
                                    


"Mag-hintay muna kayo riyan, tatawagin ko lang si Madame" Ani ng nagpakilalang Mayordoma sa malaking bahay na kinatatayuan namin ngayon.

"Ang ganda pala dito bon, ano? Heto na ba yung tinatawag nilang mansyon?" Namamanghang tanong ng pinsan kong si Chloe.

Papasok palang kami sa malaking gate ay di na mawala ang pagkamangha sa kanyang itsura. Ako man ay namangha sa sobrang laki at ganda ng mansyong to. Napapaligiran ng malulusog at malalabong  na halaman ang bukana ng mansyon.

Habang nag-hihintay kami sa bukana ng mansyon ay iginala ko ang aking paningin. Napakatahimik ng kapaligiran, at sa di kalayuan ay may makikita akong hardenero na todo masid sa mga halaman na para bang takot syang madapuan ng insekto ang malulusog na alagang halaman.



"Hi Miss"


Napukaw ng aming atensyon ang isang lalaking malapit sa amin—kung sasabihin ay kay Chloe lang.


"Anong ginagawa ng isang magandang binibini dito sa aming mawalak na bukana?" Tanong nito para bang nang-hahakit pang tinignan si Chloe.


Nangunot ang noo ko dahil itong kasama ko, di mawala yung ngiti nya sa labi. At parang nangangatal pa.



"Ah-eh—"


"Bakit hindi kayo pumasok sa aming mansyon at isama mo na ang iyong katulong" Sabi nito at tinuro ang pinto papasok sa mansyon nila.



K-katulong nya? Ako ba ang tinutukoy na katulong ni Chloe?!


Sinamaan ko ng tingin si Chloe ng narinig kong bumungisngis ito.


Hinayupak!


"Kayo na ba ang pinadala ni Rosita?"


Dali dali kaming dalawa ni chloe na hinarap ang boses matandang babae, na nasa pintuan ng mansyon.


"Opo" Halos mangatal kami ng sabay naming sinambit iyan ni Chloe.

Umayos ako ng tayo ng pasadahan kami ng tingin pareho ng pinsan ko mula ulo hanggang paa.



"La, sino sila?" Tanong ng lalaking maharot.


"
"Ihatid mo sila sa kanilang matutuluyan, belen" Utos nito sa Mayordoma at tinalikuran na kami.


"Dalhin nyo na mga gamit nyo at sundan nyo ko"



Dali dali naming binuhat ang mga gamit namin  at sumunod sa mayordoma. Habang naglalakad ay pinapalibot namin ang aming tingin at manghang mangha sa mga furniture na nasa gilid. Puno ng malalaking larawan ang dingding. Nagmumukha tuloy na Museum tong mansyon.



"Sino sila?"


Isan

NERD at the MORNING and GANGSTER at the NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon