Atanya Point Of View
BACK to reality. NakakaTAMAD, NakakaPAGOD, at higit sa lahat NakakaLAHAT.
Tamad akong pumasok patungo sa school, dahil hindi ko alam kung papaano ko haharapin si DEIMARK. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.
Pake alam ko ba kung alam na nya na nagdi-disguise lang ako. Ginagawa ko lang naman iyon dahil gusto ko ng maayos at tahimik na buhay, yung para bang ikaw ay isang NOBODY GIRL. Gusto ko lang naman ng normal na buhay. Ayaw ko ng balikan ang nakaraan na kung saan ako naging isang DAKILANG KRIMINAL.
"Good Morning A.L" Boses na nagmula sa kung saan na syang dahilan ng pagkabalik ko sa realidad na lumutang.
Lumingon ako sa dalawang gilid ko, mga studyanteng papasok lang ang nakita ko.
"Hoy A.L"
Tumalikod ako nakita ko ang hindi ko inaasahan o kailan man ay hindi ko akalaing makikita ko rito.
"Hoy! Bakit nakatulala ka?" Tanong nito at iwinagayway ang isang kamay nya sa harap ko.
"Ace." Bigkas ko sa pangalan nya. Ngumiti sya sa akin. "A-anong ginagawa mo dito?"
"Binibisita ka" Simpleng sagot nito.
"Talaga? Ninung kayabe mu? Kayabe mu la reng barkada ta mo?"
*Sinong kasama mo? Kasama mo ba ang barkada?
"Hindi. Nakabili na ako ng condo dito, pinayagan na ako nila mama na mamuhay ng mag-isa, at isa pa pumunta na sila sa Venice." Pahayag nito. Isang tango lang ang naisagot ko sa kanya.
Hindi parin matanggap ng sistema ko ang presensya nya dahil paniguradong hindi na ako lulubayan nito.
"Hindi mo naman sinagot ang tanong ko e." Singhal ko sa kanya.
"Ah? Ano ba tanong mo?" Tanong nito.
"Anong ginagawa mo dito kako?" Inis na sabi ko.
"Ahh.. Lilipat ako ng eskwelahan, dahil alam kong dito ka nag-aaral kaya dito na rin ako." Excited na sabi nito.
Anong nakain nito at napakanaughty nya ngayon. Hindi naman sya ganito dati. Napakaseryosong tao kaya Neto.
"Ayt! Totoo?" Nakangiwing tanong ko.
"Oo! At mag-eenro muna ako, samahan mo ako?" Tanong nito. Tumango ako.
Nauna akong naglakad sa kanya at sinabayan naman nya ako. Nabigla ako ng bigla nya akong akbayan.
Pilit kong inaalis ang braso nya sa balikat ko dahil pinagtitinginan at pinagbubulungan na rin ng mga estudyanteng nakakakita sa amin.
'Ayy. Yung magandang nakita natin noong Friday'
'Oo. Sya nga yon.'
'Newbie silang dalawa?'
'Siguro...'
'Bagay Sila.'
BINABASA MO ANG
NERD at the MORNING and GANGSTER at the NIGHT
Tajemnica / ThrillerHindi porket mukha kang kaawa-awa at mukhang mahina ay pwede ka ng i bully o i judge. Tandaan nyo ang tahimik na tao ay nasa loob ang kulo. Kamukha ni Atanya Luis Pearl o kilala bilang atanya, ay isang mukhang kaawa-awa at mahina sao umaga ,at lagi...