Chapter 29

186 9 2
                                    

  DEIMARK

Tatlong linggo na ang  lumipas matapos ang nangyari. Masakit man tanggapin ang nangyari pero kailangan kong lumaban para kay Atanya. Sariwa parin sa akin ang sakit na dulot ng lumipas.

Tatlong linggo narin akong hindi na kakapasok sa paaralan. Alam na rin ng pamilya ko ang mga nagyayari sa akin kaya umuwi sila para komprontahin ako. Akala ko makakabuti ang pag-uwi nila rito. Pero akala ko lang pala iyon. Puro sila sermon at laging galit ang binabaling nila. Pasalamat ko dahil nandito naman si nanay para  ipagtanggol ako.

Kalalabas ko palang mula sa terasa ng may kumatok sa kwarto ko. Huminga muna ako ng malalim bago binuksan iyon. Bumungad sa akin ni nanay na nangungusap ang mga mata. Bumaba ang tingin ko sa hawak nyang tray na naglalaman ng mga pagkain.

"Jusko, Anak. Kumain ka naman kahit konti lang. Tignan mo. Nangangayayat ka na." Puno ng pagsuyo ang boses nya. Inilapag nya ang pagkain sa maliit na mesa sa kwarto ko. "Sa tingin mo ba magiging masaya si Atanya kapag nakita ka nyang ganyan ah?"

Natigilan ako sa sinabing yon ni inay. Tama sya. Kung makikita ako niya akong ganito paniguradong magagalit iyon. Ayoko namang makaramdam sya ng guilt sa loob nya.

Lumapit ako sa pagkain at nakita kong sumiglang bigla si inay. "Kumain ka ng marami anak. Tiyak kong matutuwa lahat sayo. Pati na mama't papa mo. Salamat."

Pagkasubo ko sa pagkain ay don ko palang naramdaman na gutom na gutom pala ako. Inubos ko ang pagkain. Pinagpahinga nya muna ako bago pinayagang maligo. Nag-ayos sa harap ng salamin, kapansin pansin ang itim sa mata ko. Sobrang itim. Ang pangit ko na, paano pa ako magugustuhan ni Atanya neto?.

"Oh, Anong pumasok sa utak at bumaba ka rito?" Bungad sa akin ng papa ko. Hindi man sya pinansin. Sanay na ako.

"Hon, ano ba?" Suway sa kanya ni mama.

"Anong ano ba? Yan ang hirap sayo. Kaya lumalaking matigas ang ulo kasi kinukunsinti mo." Hindi na mapigilan ang sigawan ni papa si mama.  Mabilis akong pumagitna sa kanila. Ayoko ko namang mag-away sila ng dahil sa akin.

"Pa," Malumay kong tawag sa kanya. Siniringan nya lang ako at tumalikod na. Sinundan sya ni mama paakyat sa kwarto nila.

"Hayaan mo na muna sila anak, Intindihan mo ang papa mo."

Binigyan ko lang ng isang pilit na ngiti si nanay at walang pasabing umalis. Dala ang kotse kong patungo sa flower shop. Bumili lang ako ng simpleng bulaklak dahil yon ang gusto nya. Ang simple lang. Bumili na rin ako ng prutas bago tumungo sa kanya.

Medyo malayo-layo kaya hinabot na ako ng hapon.

"Oh, Ikaw si Deimark diba?" Ang ate ni atanya. Sya yata si litanya.  "Ayy, Oo ikaw nga. Malaki lang ang pinagkaiba mo sa picture. Medyo mataba kapa ron at ang gwapo. Pero gwapo ka parin naman ngayon." Pinasadaan nya ng tingin ang buong  katawan ko. Medyo nailang naman ako sa ginawa nya.

Tumikhim muna ako bago nagsalita. "Pwede ba akong pumasok?" Patungkol ko sa pintong nasa likod nya. Nagitla sya at agad akong binigyan ng daan.

"Ayy, Sorry."  Sya na ang bumukas sa pinto. Pumasok ako at sumunod naman sya.

Nakapikit akong pumasok at humugot ng malalim na hininga bago ko ibinuklat ito.

Bigla akong nanghina at nanginig ang tuhod ko ng makita ko syang parang hirap na hirap sa lagay nya. Ang daming nakatasak sa katawan nya. Parang gusto kong tumalikod nalang o isiping ako nalang ang nasa lagay nya. Ano bang dapat magandang mangyari? Ang namatay nalang sya o ang makitang naghihirap sya? Ang hirap  ng sitwasyon namin ngayon.

"Iho?" Tawag pansin ng papa ni Atanya.

"Ang tagal mong hindi dumalaw sa anak ko?" Si mama nya. Nagmano ako sa kanila.

Pinasuot nila ako ng gown at binigyan rin nila ako ng mask.

"Ako na po ang magbabantay sa anak nyo, magpahinga namu na kayo." Prisinta ko sa kanila.

"Sige, Basta tawagan mo lang kami kapag may kailangan ka ah?"

"Opo. Ingat po kayo sa pag-uwi."

Hinatid ko sila hanggang sa pinto. Babalik sila bukas para palitan ako. Hindi na ako tumutol doon dahil pinayagan nila akong makasama kahit sandali ang anak nila.

Binuhat ko ang isa sa mga upuan na mono block  palapit sa gilid niya. Hinawakan ko ang kamay nya at hinaplos iyon.

"Atanya, Mahal ko." Tawag ko rito. Nagbabadya na namang tumulo ang likido sa mata ko. Pilit kong pigilan iyon pero pasaway sila, hinayaan ko na lamang na umiyak ako. "Atanya?" Tawag kong muli rito. "Gumising ka na parang awa mo na. Hindi ko kakayanin kung magtatagal ka pang ganito. Paki-usap." Humagulgol ako sa kanya. Gusto ko syang yakapin pero pinigilan ko ang aking sarili. Natatakot ako na baka may matamaan akong bagay na ikamatay nya. "Kahit na nahihirapan na ako ay hindi ako susuko sayo. Mahal kita. Mahal na Mahal kita. Pinapangako ko, kahit hindi tayo ay magpapakasal ako sayo pagkagising mo. Pangako iyan. Hindi na kita liligawan, dahil kapag asawa nakita araw-araw kitang papaligayahin."

Tumayo ako para palitan ang mga bulaklak sa vase. Nagbalat narin ako ng apple. Nahinto lang ako ng may kumatok sabay narin ng pagbukas ng pinto.

"What are you doing here?" Salubong na tanong ko sa kakapasok lang na si ace. Kita kong nagulat sya bago tumuloy at lumapit kay atanya.

"Hindi pa ba Halata? Malamang dinadalaw sya," patungkol nito kay Atanya. Akmang hahaplosin nya ang buhok ng taong mahal pero pinigilan ko sya.

"Don't.Touch.Her." May bantang sabi ko sa kanya. Lumapit ako kay atanya st hinawakan sya sa kamay. " Subukan mong Hawakan sya, Hindi ako magdadalawang isip na ibaon ka sa lupa, kesehadong kaibigan o ex kapa ni atanya."

Lalo akong nainis ng tumawa sya ng malakas. "You are making me laugh! Bro, Easy. Kung makareact akala mo may KAYO!"

Natigilan ako don. May dumaang kirot sa puso ko na tagos na tagos. Masakit man sa  katotohanan pero yon ang totoo. " Oo, walang kami. Pero hintayin mo lang pag gising nya kasal na kami!" Desididong sambit ko.

Pangako Atanya pakakasalan kita. Kaya gumising ka na. Hindi na ako magpapasaway. Magtatapos ako para sayo. Hindi kita sasaktan o iiwan man lang.  Bubuhayin kita gamit ang mga pera ko. Gagawin ko ang lahat. Kung gusto mong maging prinsesa, gagawin ko. Magpapakaprinsipe ako sayo. Basta gumising ka na. Hindi ko na talaga kayang makita kang nahihirapan. Para akong kinukupas ng hininga kapag nakikita kitang nakahiga na parang habang buhay ka nang ganyan. Natatakot akong lumipas pa ang mga araw na wala man lang pinagbago. Kaya paki-usap, nagsusumamo ako sayo. Imulat mo na ang mata mo.

 

NERD at the MORNING and GANGSTER at the NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon