Atanya's Point of view
NAPAMULAT AKO sa sinag nang araw na nanggagaling sa salamin nang kisame ko
"Ano atanya? Hihiga ka nalang ba dyan?"Sigaw ni Atchi. (Atchi/ate)
Kaaga-aga high blood na naman tong babaeng to. Kainis sya.bakit?..bakit sya pa kase ang naiwan kasama ko!
dapat sya nalang ang umuwi sa pampanga hindi sina Tata at mama kainis sya." Hoy! Prinsesa bumangon ka na dyan bago pakita buhusan ng malamig na tubig"Sigaw ulit nya at tumayo sa gilid ng kama kong cute habang ang dalawa kamay nya ay nasa bewang nya.
agad naman akong bamangon kay Eliza ko, sa sobrang bilis ay bigla akong nahilo.Eh gusto mo bang maligo sa magandang cute na cute mong si Eliza,ayoko ngang mabasa ang cute na cute kong panjama at Sando
"Nanu na waring oras?" Tanong ko habang humihikab
Translate*Ano na bang oras?
"Umm! Ang baho" sabay takip sa ilong nya na parang sobrang baho talaga"Oras na para pumasok sa school mo"nabuhay ang diwa ko nang marinig ang sinabi ni atchi litanya sa akin at Napatingin naman ako sa clock kong unique and sosyal
"6:30 pal-"
"ano? 6:30 na?!" Sigaw ko at mabilis na pumasok kay Helen kong sosyal at unique .Pake nyo ba? Unique para sa akin ang lahat ng gamit ko.
"Bumaba kana lang sa dining kapag tapos kana" parang mababasag na eardrums ko sa sigaw ni Atchi
"Oo na lumayas ka na sa kwarto ko" sigaw ko rin sa kanya
Pagkatapos ng dapat kong gawin sa sarili ko ay bumaba na ako.
Pag karating ko sa dining Area ay amoy ko na agad ang paborito kong longganisa at tocino"Bakit ganyan na naman ang suot mo?" Tanong sa akin ni atchi habang ang mga mata nya ay ang sama ng tingin sa akin"Papasok ka sa school ineng, hindi sa kalye na para mamalimos"
"Atchi ko naman! Eka pa mesane kanako?"inis na Tanong ko sa kanya.
translate*ate ko naman! Hindi ka pa ba nasanay sa akin?
"Atsaka alisin mo yang salamin - salamin sa mata mong yan, Matsura ka na nga lalo kapang pumapanget" puri nya sa akin, care nyo ba? ganyan ako purihin ng kapatid ko. Kaya mahal na mahal ko yan eh
Translate: Panget
"Kung panget ako eh mas panget ka pala,you know naman natin na palagi kang lamang"pagmamalaki kong sabi habang ngingisi-ngisi ko syang inismiran ng tingin.
"tsk! Mangan naka! nanu pang mangatak mu"pikon ang put!
*tsk! Kumain kana! anu pang sinasabi mo!
sinunod ko lang ang sinabi ni ate.
pagkatapos ay nagpaalam na akong pumasok.***school
pagkarating ko sa gate ay tinignan ko muna ang kabuuan.
"Scamanmyssec High School"basa ko sa pangalan ng school na papasukan ko.
Scamanmyssec?.. Weird naman ng pangalan ng school nato!
pagkarating ko sa mismong gate ay hinarangan agad ako ng guard.Tinanong ako kung bakit wala daw akong I.D.
"kukunin ko pa lang"tipid na sagot ko at nilagpasan ang guard. Pagkapasok ko ay inilibot ko ng tingin ang mga nadadaanan kong mga kwarto.
pagkarating ko sa Dean's office aykumatok mu na ako ng dalawang beses bago pumasok.
"Magandang Umaga po"magalang na bati ko kay dean.
"Magandang umaga"Nakangiting bati nya rin sa akin at isinenyas ang isang kamay nya na umupo sa harap ng mesa na nasa gilid ang upuan.
"Kukunin ko lang po ang I.D ko, baka po kasi haharangin na naman po ako ng guard sa gate hindi ako papasukin"inis na sabi ko pero may galang na tono parin.
"hahaha! ganon talaga yon.. napaka strikto sa mga bata... lalo na't sa mga pasaway... wala ngang nakakapasok dito na hindi nakabusangot ang mga mukha"tatawang sabi nya"Heto! suot mo na baka makita kapa nung president nyo dito sa school ma sita ka pa"dagdag nya pa.
Kinuha ko ang I.D ko na inabot nya sa akin. pagkatapos kong tanungin ang section ko at nagpasalamat ay lumabas na ako ng office.
natigilan ako sa paglalakad ng may humarang na apat na babae sa akin."Tingnan nyo nga naman?"Malanding tawag pansin ng isa sa kanila na syang nangunguna sa mga studyanteng dumadaan sa gilid,likod at harapan namin. yumuko lang ako."ikaw na ba ang anak ni Betty la fea ah?"mataray na tanong nya sa akin, na dahilan upang magtawanan ang mga nakarinig.
yumuko lang ako at nilagpasan sya. Mabilis kong tinungo ang room ko.
Kung hindi lang ako agad naka alis baka masira ko pagmumukha non!Mabilis na lumipas ang isang araw sa school na ang boring.! halos lahat ng prof. ay iisa lang ang pinagawa ay ang introduce yourself.
pagkauwi sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto, nagpahinga lang na kaunti naligo narin at pumunta sa dining.
"Musta first day mu keng eskwela?"tanong ni atchi pagkaupo ko.
"as usual! always okay"Bagot na sagot ko.
"Kain kana at matulog ka na maaga ka pa bukas"anyaya niya.
mabilis kong inubos ang pagkain katulad nga ng sinabi ni atchi ay natulog na ako after ligo.
-----------------------------------------------------------
Heluu! Musta? Mustasa? HahahaBtw! Gusto ko po sanang magpasalamat sa lahat ng nagbabasa.
Yun lang😂Fb:@Edelynpayatutin
twtt: @Edelynpayatutin
Inst: Edelynpayatutin
Don't forget to vote and comment
BINABASA MO ANG
NERD at the MORNING and GANGSTER at the NIGHT
Misteri / ThrillerHindi porket mukha kang kaawa-awa at mukhang mahina ay pwede ka ng i bully o i judge. Tandaan nyo ang tahimik na tao ay nasa loob ang kulo. Kamukha ni Atanya Luis Pearl o kilala bilang atanya, ay isang mukhang kaawa-awa at mahina sao umaga ,at lagi...