Deimark's Point Of View
NAIINIS pa rin ako dahil hindi ko nadatnan sa clinic si atanya.Sino ba kasi ang boyfriend nya? Sa pagkakaalam ko sa kanya ay wala pa syang nabo-boyfriend.Kahit kanino sama ng sama ang Alice the walis ang buhok na yon! E kung masamang tao yon? Hayst! Bullshit talaga!
Wait nga! Bakit ba ako nagkakaganito? Wala akong pakielam kung anong mangyari sa Alice the walis ang buhok na yon.
Inis akong bumangon sa kama ko at dumeretso na sa banyo.Ilang minuto lang ay nasa baba na ako.
"Aling Nene?" Tawag ko.
"Bakit iho?"
"Sina mom and dad ba ay umuwi na?" Tanong ko.at sya naman ay pinaghahanda ako ng almusal.
"Hindi pa...ang sabi sa akin ng secretarya ng mommy mo ay baka bukas sabado ang uwi nila" sabi nito.
Tumango na lang ako.Kumuha ako ng pandesal at itlog kasama ketchup.Every morning ay yan palagi ang breakfast ko.Hindi ko alam bakit hindi ako nagsasawa.
Pinagpatuloy ko ang pagkain na mag-isa dahil si Aling.Nene ay nasa bakuran nagsasampay ng damit namin.
Palaging busy sila Mommy at daddy sa business nila.Magsimulang nawala ang lolo't lola ko ay hindi ko ay naging aktibo na sila mommy at daddy sa opisina na kahit ang mga secretary lang nila ay pwede namang gawin yon.Hindi ko alam kung bakit pa sila nagpapakahirap.Ang dami na naming pera.Yung mga allowance ko nga ay tambak na sabrong dami.Hindi ko naman iyon maubos dahil kumpleto naman ako sa gamit.Nilulunod nila ang sarili nila sa trabaho.Puro trabaho na lang.
Hindi ko na sila nakakasama.Na dati ay araw -araw na sa tabi ko sila.Sa umaga kasama ko silang mag -almusal
Sa tangghali kasama ko silang magtangghalian sa hapon kasama ko silang magmiryenda sa bakuran na may kasamang pagpapalipad kite.Sa gabi ay magkakatabi kami sa master at nagmomovie marathon.Hindi ko alam kung anong nangyari sa amin.Marami nga kaming pera,kumpleto nga kagamitan namin,Pero hindi maganda ang pamilya namin.Nag-iisang anak nga ako,nag-iisa ako pero hindi nila akong mabigyan ni katiting na segundo para makasama ako.Madalang rin nila akong kumustahin,kukumstahin nga nila ako sa telepono pa.Nakakasawa Mas gugustuhin ko pang maging mahirap basta kapiling ang magulang.
Nagpapasalamat nga ako kay Aling Nene dahil hindi nya ako iniwan.Kaming dalawa lang ni Aling Nene ang naiiwan dito.Marami kaming katulong pero pinaalis ko na dahil kaya ko naman ang sarili ko.Si Aling Nene lang talaga ang hindi ko kayang paalisin dahil bata palang ako sya na ang kumakalinga sa akin.
"Aling Nene pasok na po ako" paalam ko.
"Ingat sa pagmamaneho iho...hwag barumbado ah?"
"Opo" sagot ko at tumalima na.
Pagkarating sa parking lot ay mabilis lang akong nagpark at pumasok na rin sa room ko.
BINABASA MO ANG
NERD at the MORNING and GANGSTER at the NIGHT
Mystery / ThrillerHindi porket mukha kang kaawa-awa at mukhang mahina ay pwede ka ng i bully o i judge. Tandaan nyo ang tahimik na tao ay nasa loob ang kulo. Kamukha ni Atanya Luis Pearl o kilala bilang atanya, ay isang mukhang kaawa-awa at mahina sao umaga ,at lagi...