LUIS
Mabilisan akong umiling at itinulak si deimark. Nagulat sya sa ginawa ko kaya nataranta itong tumayo. Inilahad nya ang kanang kamay sa akin. Umiling ako at mag-isang tumayo.
"May Plano ako." Si Blax. Tumingin ako sa kanya ngunit kay deimark ito nakabaling.
"Tutal nagtagumpay na rin lang sila," Padaan ng isang matalim na tingin sa akin. "Papasok tayo sa lab nila at sisirain ang nabuo nilang itim na likido. Tatapusin natin ang sinimulan nila."
Isang tango lang ang sagot namin sa kanya at mabilisang kumilos. Minamanman muna namin ang mga tauhan na kung hindi ako nagkakamali ay nag-uusap usap sila sa isang bagay.
"Anong gagawin natin? Marami sila. Hindi natin sila makakaya." Si DM.
"Gagawa ako ng paraan. Pagkalapit ng ibang mga tauhan sa akin ay saka na kayo magsikilos. Galit pa ako sa atanya pero isasawalang bahala ko muna yon. Mas importante ang tagumpay natin. Alam mo na kung anong gagawin kaya kayo na ang bahala sa loob." Pahayag ni blax.
Hindi ko man maintindihan ang mga sinasabi nya pero Tumango na lang ako. Nabigla ako ng bigla syang sumigaw. Hinila ako ni DM sa isang madilim na sulok. Gulong gulo ang isip ko kung bakit nagkaganito bigla. Wala sa sarili akong nakatingin kay blax at sa mga lalaking naghahabol sa kanya.
Nahimasmas lang ako ng nawala sila sa paningin ko at nabaling ako sa magkahawak naming kamay ni DM. Bigla akong nanginig dahil sa naramdamang kuryente sa katawan ko. Bigla akong nanghina. Bigla nyang binitiwan ang kamay ko ng sigurong maramdaman nyang nanlamig at nanginig ang kamay ko.
"Sorry," Sinserong sabi nito.
Hindi ko na sya pinansin pa at mabilisang tumungo sa iisang pasukan ng laboratory. Naramdaman kong sumunod naman sya sa akin. Kung hindi pa kami kikilos ay baka mabugbog na kami ni blax. Sayang yung effort nya.
Napansin kami ng dalawang bantay sa pintuan kaya napasabak kami sa laban. Malalaki ang mga katawan nito. Tinitiyak kong sabak narin ang mga ito sa mga away. Alam kong may ibubuga sila.
Lumapit kami sa kanila at binigay ang todong lakas namin para mapatumba sila. Unang una palang ay nahirapan na kami. Nagkapasa-pasa muna kami bago sila natumba. Mabilisan kaming pumasok at hinanap pinagtataguan ng itim na likido.
"Mas maganda siguro maghiwalay muna tayo, ako don ikaw dito" turo ko sa magkabilang pinto kasabay ng mga ibang landasan.
Patakbo palang ako ng bigla nyang ako hilahin at sinakop ako sa dalawang bisig nya. Hindi agad ako nakakilos sa ginawa nya.
"Mag-iingat ka. Hindi ko kakayanang masaktan ka, lalo na puno ka na nang pasa. Tatapusin lang natin tong pinasok mo at itong puso ko naman ang isusunod mo." Bulong nito.
Nanlamig ako ng dahil ron. Hindi ko alam kung anong sinasabi nya. Pero isa lang ang pumasok sa isip ko. Yun ay yung sinabi nya. Tiyak akong magagawa kong pasukuin ang nakabukas ng puso para sa akin. Nakakasiguro akong iisa lang ang nararamdaman namin. Medyo may konting kirot dahil natatakot parin akong masaktang muli.
Hinalikan nya muna ako sa noo bago ako iniwan. Ilang sandali ang lumipas bago ako nakamove-on. Pumaikot ako patalikod at sinimulan na ang paghahanap.
Binalikan ko ang isang kwarto na kung saan ko nakita ang dalawang babaeng nakahiga sa isang kama. Naabutan ko pa sila don na ngayon ay nakaupo na dilat na dilat ang mga mata. Lumapit ako sa dalawa, swerte ko dahil walang nakabantay sa kanila. Pagkalapit ay nakuha agad ng atensyon ko ang makapal na wire na kulay itim na nakasaksak sa likod nila. Sinundan ko ng tingin ang mga yon. Hanggang sa makita kong nakadugtong iyon sa isang malaking makita. Naguluhan ako kung para saan iyon. Lumapit ako sa dalawa at hinawakan ang kamay ng isa. Pinisil ko iyon at parang mannequin lang sila. Pinisil ko pa ang ilang parte ng katawan nila at ganon parin para silang laman lang ay hangin.
BINABASA MO ANG
NERD at the MORNING and GANGSTER at the NIGHT
Gizem / GerilimHindi porket mukha kang kaawa-awa at mukhang mahina ay pwede ka ng i bully o i judge. Tandaan nyo ang tahimik na tao ay nasa loob ang kulo. Kamukha ni Atanya Luis Pearl o kilala bilang atanya, ay isang mukhang kaawa-awa at mahina sao umaga ,at lagi...