Chapter 2

263 10 6
                                        

Maagang gumising si Gretel para sa kanyang come back sa kumpanya. Sigurado siyang  madami ng nakatambak sa kanyang opisina na gagawin lalo na at malapit na naman silang maglabas ng mga bagong akda ng mga bagong manunulat mula sa isang sikat na site ngayon.

Papasok na ulit si Gretel sa kanyang opisina dala ang kanyang lumang Ford Mustang Shelby GT500 na bigay pa sa kanya ng kanyang kuya Hansel noong nag debut siya.

Tama lang ang patakbo niya sa kanyang kotse.Hindi mabilis at hindi mabagal ang kanyang patakbo. Kasalukuyan siyang nasa high way at paliko na sana siya sa isang kanto ng may kotseng muntikan na siyang mabangga.

Isang mukhang mamahaling kotse at pamilyar sa kanya. Agad naman siyang nakapag preno at bumaba sa kanyang kotse para harapin ang driver ng isa pang kotse.

Bumukas ang pinto ng kotseng muntik na niyang makabangga at iniluwa doon ang lalaking muntik ng makabangga sa kanya sa palengke sa may Batangas.

“Accident prone ka ba talaga? O gusto mo  lang talaga akong patayin? O baka naman my death note ka na at lagi lang hindi natutuloy?”sigaw niya sa lalaking nasa harapan niya.

Tinignan muna nito ang mga kotse saka siya tinignan.

“Hey easy ka lang. Sandali, huwag mong sabihin na ikaw ang nagmamaneho niyang Ford bata?”tanong nito na mukhang naguguluhan. “By the way, nice breaks.”saad niya.

“Wala akong pakialam kung anong nasa isip mo. Pasalamat ka hindi pa ako patay ngayon kundi mumultuhin talaga kita!”saad niya saka sakay ng kanyang kotse. “At hindi ako bata!” Pinaandar niya agad ito saka pinaharurot.

Mabuti na lang at hindi siya na late sa kanyang trabaho. Pagpasok niya sa kanyang opisina ay sinalubong agad siya ng kanilang boss na si Earl na nagmamay-ari ng publishing house kasama ang asawa nitong si Jeen.

“Good Morning our best editor in chief. Mukhang hindi good ang umaga mo ah. Anong nangyari?”

tanong ni Boss Earl sa kanya.

“It’s the best morning. Muntikan na akong mabangga papunta dito ng isang lalaking napaka presko. Akala niya sa kanya ang kalsada.”sagot niya. Inilapag na niya ang kanyang bag sa kanyang lamesa at umupo sa kanyang silya.

“May gagawin ka ba ngayong umaga?”tanong sa kanya ni maam Jeen.

“Wala naman. Ano palang ginagawa niyo dito?”tanong niya.

“Gusto ka na daw makita ni Misis Glo at ang mga sinulat mo tungkol sa kanya at sa kanyang asawang kwento.Pinapapunta ka niya ASAP sa kanyang condominium.”sagot nito sa kanya. Tumango lang siya saka nagpaalam na pupuntahan na agad ang ginang.

Bago siya dumeretso sa condominium ng ginang ay dumaan muna siya sa mall para dalhan ito ng makakain.

Pumunta siya sa may fruit section at namili ng mga prutas para sa ginang. Noong nakaraang buwan lang ng ikwento sa kanya ng ginang ang kwentong pag-ibig nito kaya naganahan siyang isulat ang madamdaming kwento nito at balak din niyang i-publish ito.

Natigilan siya sa paghahanap ng marinig niya ang pangalan ng kanyang ex-boyfriend. “Kent ayoko ng ganito. Ipakilala mo na ako sa mga magulang mo para ikasal na tayo.Wala na naman kayo di ba? Di ba?”rinig niyang sabi ng babaeng nakasalubong niya.

Tinignan niya ang babae at nakilala niya kung sino ito. “Anabelle?”tawag niya dito. Matalik niyang kaibigan ang babae mula college. Lumingon ito at ang kasama nitong lalaki na si Kent.

“Kent? Bakit magkasama kayo?”nagulat niyang tanong. Nagkatinginan ang dalawa.

“We’re going out.”saad ni Anabelle.

My Accidental LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon