“You know you're in love when you can't fall asleep because reality is finally better than your dreams.”
― Dr. Seuss
Hindi makatulog si Xander sa byahe. Papunta na siyang London para sa isang business project na dapat noon pa niya napuntahan. Ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon na makalabas ng bansa ng mahuli na ang tito Greg Javier niya ata ng anak nitong si Gino.
Limang buwan din mula ng mahuli nag mga ito sa magkasunod na araw.Limang buwan na din siyang walang balita kay Gretel.
Minsan ay nagtatanong siya kay Earl o sa asawa nito tungkol kay gretel pero dahil malapit din ang dalawa sa dalaga ay wala siyang nakukuhang impormasyon mula dito. AT dahil na din sa saksi ang dalawa sa pagtalikod niya sa dalaga.
“Walang kami. Hindi Kami.”naisip niya. Napasandal siya sa upuan at nagpikit ng mga mata. “Gretel bakit ba hindi ka mawala sa isip ko?”
“Kung mahal mo ang iniisip mo habang maaga pa ipaglaban mo na siya. Sa tingin ko sa naririnig kong bulong mo, hindi mo kayang wala siya.”sabi sa kanya ng matandang babae sa tabi niya.
Tatayo sana siya ngunit nasa himpapawid na sila kaya hindi din siya makakababa. Nilingon niya ang matandang babae, pamilyar ang mukha nito.
“Naku napakamalas mo naman. Xander di ba?”sabi nito. Nagulat siya na kilala siya nito.
“Po?”tanong niya.
“Alam mo ba kung bakit ako pupunta ng London?”tanong ng matanda sa kanya. Umiling lang siya.
“Gusto ko kasi makita ang lalaking minamahal ko. Nang nalaman kong nasa London siya naikwento ko iyon sa alaga ko. Kaya heto bingyan niya ako ng panggastos sa london.Siya ang sumagot ng lahat-lahat. Akala ko hindi ko na siya makikita. May pamilya na siya at ako matagal ko siyang hinintay dahil pangako niya sa akin na babalikan niya ako. Pero hindi siya bumalik. Hindi niya ako naipaglaban.”kwento ng matandang babae.
“Paano po kung magkita nga kayo?”tanong niya.
“Huli na pero magiging masaya lang ako kahit masulyapan ko lang siya. Sabi ko nga sa alaga ko, maghintay lang siya. Pero sana ipaglaban mo siya.”sabi ng matanda.
“Po?Ipaglaban ko?”tanong niya. Masyado siyang naguguluhan sa matanda.
“Naku hijo, matanda na ako pero matandain ako sa mukha. Siguradong ikaw si Xander ang kinalolokohan ng alaga kong si Gretel.”naiinis na sabi nito.
“Kamusta na po siya?”tanong niya. Tinignan siya ng masama ng matandang babae. Naghalukipkip pa ito.
“Sa tingin mo ano ang nangyayari sa mga babaeng iniwan ng taong mahal nila ha? Sa tingin mo ba makakapagpa-party? Magpapakasaya? Ha? Naku hijo, hindi siya kumain ng ilang buwan. Kung kakain siya isang meal lang sa isang araw.Mabuti na lang at nasabihan ng kuya Hansel niya.”sermon nito sa kanya.
Napayuko siya sa hiya sa ginang.
“Hindi pa huli ang lahat. Bata pa kayo. Pwede mo pa siyang ipaglaban. Sana totoong mahal mo nga siya.Ayokong nakikitang nasasaktan ang alaga ko.”sabi nito.
Sa mga sinabi ng matanda ay natauhan siya. Yun nga lang hindi agad siya makakabalik ng bansa. Marami pa siyang dapat ayusin sa kumpanya at sa sarili nila.
“Mahihintay kaya niya ako?”tanong niya na narinig ng matanda.
“Iyon nga ang ginawa ko. Baka iyon din ang gawin niya. Pero hijo,magkaiba kami. Isang beses pa lang ako nasaktan dahil isang tao pa lang ang minahal ko. Habang si Gretel dalawang beses na siyang nasaktan. Minsan sa sakit nagdudulot iyon ng isang pagbabago sa tao.Pag-isip mo hijo.”sabi sa kanya ng matanda.
![](https://img.wattpad.com/cover/15645527-288-k73904.jpg)