“I'm selfish, impatient and a little insecure. I make mistakes, I am out of control and at times hard to handle. But if you can't handle me at my worst, then you sure as hell don't deserve me at my best.”
― Marilyn Monroe
Nagaalala si Gretel kung ano nang nangyari kay Xander. Halos isang buwan na siyang walang balita tungkol sa binata.
Ilang beses siyang tumatawag dito pero walang sagot. Sinubukan din niyang magtanong sa mga pulis pero hindi nila masagot kung nasaan na ang binata. Miss na miss na niya ito.
“Manang paano kung hindi niya ako balikan? Tatandang dalaga na ba ako?”tanong niya kay manang.
“hay naku. Nasa sayo naman iyan hija. Kung mahal mo siya, maghihintay ka kahit anong mangyari. Kahit tumanda ka pa sa paghihintay.”sagot nito. Mataga na niyang gusto itanong sa manang niya kung ano ba ang pinaghuhugutan nito eh matandang dalaga ito.
“Handa ka na ba hija? Hinihintay ka na ni Gino sa labas.”sabi ni manang sa kanya. Pumayag siya kay Gino na siya ang maging date nito sa reunion ng mga ito. Wala din naman siyang ginagawa pa sa opisina kaya pumayag na din siya. Naka simple lang ng suot niyang dress. Simple red dress at heels.
Lumabas na siya ng bahay at sumama kay Gino.
“You look beautiful.”bati ni Gino sa kanya. Umikot siya para makita nito ang kabuuang suot niya.
Ngumiti siya dito, “I know.Na in-love ka na naman sa akin ha.” Natatawa niyang biro.
Sumakay na sila sa bago nitong kotseng Lamborghini Veneno Roadster na sabi nito ay regalo ng ama noong kaarawan niya.
“Mahal naman talaga kita eh ayaw mo lang talaga sa akin.Well,Excited ka na? Papakilala ko sayo lahat ng barkada ko. Siguradong magugustuhan ka nilang lahat.”saad ni Gino habang nagmamaneho.
Ang totoo hindi siya excited na pumunta sa reunion nito. Sigurado kasing nandoon ang ex niyang si Kent at si Anabelle. Doon din kasi sila nag aral bago lumipat ng ibang school ng sabay-sabay.
Nang marating nila ang event place ay agad silang bumaba at pinakilala siya nito sa mga kaibigan nito. Katulad ng inaasahan nandoon si Kent pero hindi nito kasama si Anabelle.
“Iwan muna kita,Nene. Tumatawag lang si dad.”saad ni Gino sa kanya. Tumango na lang siya bilang pagsang-ayon. Lumayo ito para makausap ang ama.
Naging dahilan naman iyon para makalapit sa kanya si Kent. Nung una ay hindi sila nagimikan pero hindi niya kinaya kaya kinausap niya ito.
“Kamusta kayo ni Anabelle?”tanong niya.
“Nagsisisi akong iniwan kita. Niloko lang ako ni Anabelle. Gusto niya lang talaga tayo maghiwalay kaya niya nagawa iyon. Kaya niya ako inakit. Ang tanga ko nga eh kasi nagpadala ako sa kanya. I’m really sorry Gretel.Alam kong hindi na magiging tayo pero sana tanggapin mo ulit ako kahit bilang kaibigan mo lang.”saad nito.
Kita naman niya na seryoso ito sa sinasabi nito kaya tumango siya. Niyakap siya nito ng mahigpit.
“Okay na tayo?”tanong ni Kent sa kanya.
“Friends.”sagot niya. “basta ipangako mo na hindi ka na uulit sa ibang ababe ha. Masakit kasi eh. Kundi ipapabugbog kita sa mga kapatid ko.”
Pakiramdam niya ay nabunutan siya ng isang tinik sa kanyang puso ng maging maayos na sila ni Kent. Isa na lang ang kulang, si Xander.
Hindi gusto ni Xander ang nakikita niya. Kayakap ni Gretel ang ex-boyfriend nitong si Kent. Balak pa sana niya itong sopresahin pero nagbago an ang isip niya. Masakit na kinalimutan na siya ng dalaga.