Hindi makapaniwala si Gretel sa mga nangyayari sa kanya. Una,muntik na siyang masagasaan sa pagtawid sa kalsada. Pangalawa,naghiwalay sila ni Kent. Pangatlo,muntikan na siyang atakihin sa puso ng muntikan na niyang makabangga ang kotse ng lalaking muntikan na siyang masagasaan. Pangapat, nalaman niyang niloloko lang siya ni Kent at ni Anabelle na matagal na din palang lumalabas.
At ang huli ay ang pagkikita nila ng lalaki sa condo unit ng ginang ng siya ay maghatid ng manuscript.
“Ano bang hinahanap mo?”tanong sa kanya ni Elise.
“Cellphone ko.Nakakainis naman kung kailan may hinihintay akong tawag.”sagot niya.
“Sino naman?”tanong ni Elise.
“Si Sir Jamie. Magkakaroon kasi ako ng book signing sa may Mall sa Makati.”sago niya habang hinahalungkat naman ang kabinet niya. Bigla na ang siyang napaharap kay Elise at naalala niya si Xander.
“Stalker.Tama, siya ay isang stalker.Ah hindi,isa siyang mamamatay tao! Minamalas tuloy ako dahil sa kanya.”saad niya habang hinahanap ang kanyang cellphone sa bawat sulok ng kanyang opisina.
“Sinong stalker at mamamatay tao?”tanong ni Elise sa kanya. Si Elise ay ang kanyang kaibigang writer. Isa ito sa nagpasok sa kanya sa kumpanya.
“Render. Rander.Sander? Ah Basta may ‘der’ ung pangalan niya sa huli.”sagot niya na patuloy pa din sa paghahanap. Tinulungan na siya ni Elise sa paghahanap.
“Basta. Lahat ng kamalasan nasa kanya na. Nakakainis! Buwisit!”nagagalit niyang sabi. “Ni hindi ko na nga maalala lahat ng kamalasang nangyari sa ilang araw lang.”
Tinignan lang siya ni Elise at hindi sumagot sa sinabi niya.
“Nevermind.Ang katulad niya dapat hindi na pinagaaksayahan ng panahon.”saad niya. Ramdam niyang may iniisip ang kaibigan pero hindi niya alam kung ano ito. Kung mind reader lang siya baka isipin niyang iniisip ni Elise na may gusto siya sa lalaking kinukuwento niya. Motto kasi nito mula noong nakilala niya ay: “You hate the one you love.” Medyo corny pero ganoon ang kaibigan niya.
Masyado itong naniniwala sa love na may prince charming o knight-in-shining-armor at kapaliktaran nito ag paniniwala niya ngayon. Naniniwala siya sa love pero hindi sa happy ending. Hindi lahat ng ending ay masaya katulad ng nangyari sa kanila ni Kent.
“Sinong hindi na dapat pag-aksayahan ng panahon?”tanong ni Xander ng bigla itong pumasok sa opisina niya at umupo sa tapat ni Elise.
Tumayo siya ng ayos, “Wala kang pakialam. Anong ginagawa mo dito?”
“Oh hey! Looks like you know each other.”bigla namang tayo ni Earl sa may pintuan ng opisina niya. Nakahalukipkip ito at nakatingin sa kanya.
“Magkakilala kayo?”tanong niya kay Earl.
“Of course, we’re college buddies. He’s here to visit you.”sagot sa kanya ni Earl. “Oh Xander,iwan muna kita. I still have my appointment with my wife.”
Sumipol si Xander saka pa umalis si Earl na utas na kakatawa.
Nagpaalam na si Earl sa kanila at sumunod dito si Elise making her own excuses at para din makapagusap sila.
Umupo siya sa kanyang upuan at hinarap si Xander na kanina lang ay ikinukuwento niya sa kaibigan.
“Miss me?”saad ni Xander sabay kindat sa kanya.
“Answer my question,Mr.Villafuerte.”sabi niya.
“Napakapormal mo naman. Just call me Xander. I’m here para ibalik ito sayo.”sagot ni Xander na inabot sa kanya ang cellphone na kanyang hinahanap. Kinuha agad niya ito.