Chapter 7

202 6 3
                                    

Summer vacation ang pakiramdam ni Gretel habang nasa safe house ng pamilya Villafuerte. Nakaupo silang dalawa sa may garden sa likod ng bahay.

“Alam mo bang itong bahay na ito ang tanging alaala ni mama sa akin? Dito kami noon nakatira bago mamatay si mama. Umalis lang kami dito ng makapagasawa ulit si dad.”kwento ni Xander sa kanya.

“Pero ang swerte mo kasi nakasama mo pa din siya. Kami ni kuya hindi na. Bata palang ako si kuya na ang nagalaga sa amin ni bunso.”sabi naman niya. Tinitignan niya ang binata habang nakahiga sa damuhan. Hinihintay ang sagot nito.

Diyos ko I think I’ falling in love again, Naisip ni Gretel.

“Anong iniisip mo?”biglang tanong ni Xander sa kanya. Tinitignan siya nito at inaabangan ang sasabihin niya.

“65% of those with autism are left handed.” sagot niya. Wala siyang iniisip kundi ang binata pero hindi naman niya pwedeng sabihin iyon kaya nag trivia na lang siya. Natawa naman ito sa tinuran niya.

“Polar Bears can run at 25 miles an hour and jump over 6 feet in the air” sagot ni Xander sa kanya.

“Really?”tanong niya.

“Yap.And also, Polar Bears are nearly undetectable by infrared cameras, due to their transparent fur”dagdag pa nito.

“McDonalds and Burger King sugar-coat their fries so they will turn golden-brown.”sabi niya.                                                   

“Alam mo din ba kung bakit gusto ko ang mansanas? Because Apple, not caffeine, are more efficient at waking up in the morning.”saad pa nito.

“Sneezing with your eyes open is impossible.”sabi naman niya ng may maisip siyang trivia.

“Chocolate contains phenyl ethylamine (PEA), a natural substance that is reputed to stimulate the same reaction in the body as falling in love. Want some?”saad ni Xander. Bigla itong bumangon.

Unang gabi nilang magsama sa iisang bahay kaya medyo naiilang pa siya sa binata. Itinaas ni Xander ang kamay at tinuro ang mga bituin sa langit. “Sa susunod katulad ng taas ng mga bituin na iyan, mararating ko din ang taas ng tagumpay. Para silang pangarap na mahirap abutin”sabi nito.

Tinignan niya ang mga bituin. “Sana isa ako sa mga iyan. Para abutin mo din ako.”saad niya. Nagulat siya sa na sabi niya kaya napatayo siya bigla.

Tumingala naman sa kanya si Xander. “Umupo ka nga. Imbis na mga bituin ang nakikita ko. Polka dots na panty ang nasisilayan ko.” Nakangiting sabi nito.

Nakalimutan niya. Nakapalda nga pala siya. “Bastos!”

Inangat pa nito ang kamay at inabot ang kamay niya. Hinila siya nito paupo. “Naabot naman kita.Hindi ka mahirap abutin.”

Umupo siya ng ayos sa tabi nito. “Paano kung sabihin ko sayong gusto kita ngayon?Anong gagawin mo? Paalisin mo ba ako?”

Natahimik ito. Mukhang ayaw na niyang pakinggan ang isasagot ng binata sa kanya.

Tumayo ulit siya pero pinigilan siya nito. Nahiga silang dalawa sa damuhan. Pinatong niya ang kanyang ulo s abalikat nito at ginawang unan.

“Sa tingin mo papakawalan pa kita kapag sinabi mo iyon?”tanong ni Xander sa kanya.

“Anong ibig mong sabihin?”tanong niya.

“Nagtataka din ako sa sarili ko. Bakit ba kita hinahayaang alagaan ako. Samahan ako habang ganito ang lagay ko. Bakit hindi kita pinipigilan? Sa tingin ko, alam ko na. Hindi ko kayang wala ka sa tabi ko. Miss accident prone.”nakangiting sagot ni Xander.

My Accidental LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon