Katulad ng pinagusapan ay dumeretso sina Gretel at Gino sa isang ice cream shop. Bata pa lang sila ay mahilig na silang kumain ng ice cream ng sabay.
“Bata bakit ka umiiyak?”tanong ng batang si Gino sa kanya. Nasa ilalim ng puno nakaupo si Gretel at umiiyak ng hindi niya mahanap ang kuya Hansel niya. “Hindi ko kita kuya!”naiyak na sagot niya sa batang lalaking nasa harapan niya. Inabutan siya nito ng ice cream at kinuha naman niya ito. “masarap ba? Ginawa iyan ni mama gamit ang avocado. Huwag ka ng iiyak. Siguro hinahanap ka na din ng kuya mo. Ako nga pala si Totoy. Ikaw?”saad nito. Hindi siya sumagot. “Sige simula ngayon Nene na tawag ko sayo.” Dumating naman ang kuya Hansel niya at kinaon siya.
Simula noon ay nagkikita na sila sa ilalim ng puno at naging malapit sa isa’t isa. “Pangako babalik ako Nene. At pagbalik ko, ipangako mo magiging tayo. Ha? Magiging girlfriend kita. Hahanapin kita kapag lumipat kayo ng bahay ng kuya at bunso niyo.”sabi ni Gino ng magpaalam itong pupunta ng Amerika. Hindi sumasagot si Gretel. Hindi pa niya naiintindihan ang mga sinabi ni Gino. Ang alam lang niya iiwan an siya nito.
“Naalala mo iyong sinabi ko sayo dati na kapag nagkita tayo magiging girlfriend kita? Pwede pa ba mag apply?”tanong ni Gino. Nagulat siya sa tanong nito. Hindi pa siya handa sa mga ganitong tanong. Ganitong bagay.
“Cookies and cream ang gusto ko.”saad na lang niya.
“Alright,”disappointed na sabi nito. ”Oo nga pala, may reunion ang school ko nung high school,Nene.Malapit na iyon baka sa susunod na linggo na o sa isa pang linggo. Sama ka? Wala kasi akong date.”Saad ni Gino habang pumipili ito ng flavor ng ice cream.
“Sige pagiisipan ko. Titignan ko pa kasi ang schedule ko,Totoy.”saad niya. Medyo busy siya ngayong buwan dahil sa sunod-sunod niyang book signing event at TC ng mga artistang gaganap sa story niya. At bukas ay pupunta na siyang Cebu para manood ng shooting ng mga ito. Nakaplano na lahat ng gagawin niya para makalimutan ang sakit na dulot ng paghihiwalay nila ni Kent.
“Sige basta pagisipan mong maiigi ha.Ihahatid na kita sa inyo pauwi. Binili na din kita ng ite-take out mo.”sabi ni Gino sa kanya. Matagal din silang nagkwentuhan saka nila naisipang umuwi.Nang matapos nilang maubos ang isang galong cookies and cream ice cream ay inihatid na siya ni Gino.
“Ayan na, limang galon ng favorite flavors mo. Huwag mong uubusin agad ha.”abot sa kanya ni Gino ng mga ice cream. Kinuha naman iyon ni manang. “See you.”
“See you. Mag-ingat ka ha.Pagiisipan ko talaga.”saad niya. Sumakay na ito sa kotse at umalis. Hindi niya akalain na muli silang magkikita ng kababata.
Pumasok na siya sa loob at katulad dati kinamusta siya ni manang. “Okay lang ako. Okay na kami ni Xander. Ibig sabihin hindi ko na siya makikita.”
“Oh? Okay na pala kayo pero bakit ayaw mo siyang makita? Kakaiba ka talagang bata ka.”tanong ni manang.
“Ayoko manang, kapag nakikita ko siya naaalala ko si Kent. Ang mga katulad nilang lalaki hindi dapat pinagkakatiwalaan. Mabuti sana kung katulad nina kuya, ni bunso o ni Totoy.”saad niya. “At manang naman dalaga na ako!”
“Paano mo naman nalaman na pareho lang sila ni Kent kung hindi mo naman siya gaanong kakilala?”tanong na naman ni manang.
Natigilan siya. Alam niyang mali maghusga pero takot na siya. Takot na siyang magmahal ulit at masaktan. Parang kasi kapag nakikita niya ang binata ay unti-unti siyang nanlalambot. Kakaiba ang kanyang nararamdaman.
“Papahinga na ako manang. Aalis pa ako bukas papuntang Cebu para sa unang shooting. Ikaw po muna ang bahala dito sa bahay.Mag-iingat kayo.”saad niya saka siya dumeretso sa kanyang kwarto.