Being competitive is not all about being perfectly confident on yourself. There are times that life gets you up and times that others pull you down.
Karen
I woke up in the morning. Kaharap parin ang flat screen cable TV and still lying down in this bed with plain white cover. I saw mama preparing my breakfast.
Pumasok ang aking doctor to announce some things.
*knock knock*
"Good Morning!", bati ni Doc.
"Oh, Doc, ano na? Maaari na po ba kaming lumabas?" tanong ng aking nanay. Siya ang nagbabantay sa akin dito sa room for 3 days. Si Tita Annette naman ay binibisita kami dito every late afternoon upang magdala ng pagkain.
"Tumaas naman po ang platelets ng anak nyo, ma'am at nasa normal range na. Kung di na po babalik ang fever hanggang tomorrow ay mailalabas na natin siya sa ospital."
Habang finifinger-comb ni mama ang aking buhok, "Oh, good news yan Doc ah. Sige salamat po." masayang sagot ni mama.
"Bagot na bagot na nga daw po tong si Karen doc eh--," patawang sabi ni mama kay Doc.
"Maaa! 😐." bulong ko kay mama na pinipigilan. Sino ba namang di mabo-bored dito sa kwartong ito? Eh panay higa-kain-banyo lang ang routine ko araw-araw.
"Hahaha. Di bale bukas makakalabas ka na din dito Karen. Just drink water everytime iha, para mas tumaas pa ang number of platelets mo at di na babalik ang fever mo." tugon ni Doc Ramirez
"Sige po Doc, salamat," sagot ko."Bukas po, kung confirmed na at mailalabas na siya sa ospital, punta na lang po kayo sa Billing station sa may entrance para i file na ang alis nyo." dagdag pa ni Doc at saka umalis ng room.
Siya si Doc Raphael Ramirez, siya ang pediatrician ko since birth. At dito sa St. Magdalen Hospital na din ako ina-admit tuwing nagkakasakit ako at nagpapa-check up.
I was confined due to Dengue. Most of the Dengue cases na naaadmit ay from our barangay. Pang third strike ko na to and so far ito na ang pinakaleast days na na-admit ako dito. Hays, sana di na babalik ang fever ko at makalabas na dito sa ospital na ito.
I also miss school, not literally school, but...friends.
A/N:
As what I said, this is my first story in Wattpad so pasensya na po for some grammatical error. Thank for reading guys. :) just wait for further chapters. Hope you like it!

YOU ARE READING
Behind the Outlooks
RandomMinsan, nakaka-achieve tayo ng masaya at positive na buhay. Minsan, nakakaranas tayo ng pagkakamali at nagkakaroon ng problema. Ang mga minsang ito ay maaring ating maging routine, to be strong, to face the fears, the obstacles that hinder our way...