i k a w l a n g

65 2 0
                                    

Sa panahon ngayon, mahirap nang paniwalaan ang pangakong "ikaw lang"

Mayroong paring bahagi sa iyo na kulang kaya lagi parin kulang ang isa
Parteng sa iyo ay wala at natagpuan ito ay sa iba

Dahil ang tunay na pag-ibig ay 'di parating sapat
Kapag ang nararamdaman ay naglapat at ang dibdib ay biglang bumigat—ayan na

Mula noon, kahit alam na't inaasahan mong masasaktan ka't nasaktan ka parin ng mas masakit pa

Madalas na akong naniwala
Paulit ulit na akong nagtiwala
At minsan na akong nawawala

Nasaktan sa nangyaring may iba na
Sapagkat, oo nga pala, ako'y kulang pa

Dahil ang tunay na pag-ibig ay 'di parating perpekto
Kapag ang unang loob na binigay ko sayo ay nabigo
Kapag ang sahig na tinutungtungan nating parehas ay tuluyan ng gumuho

At ang puso, parang sugat sa sikong natabunan ng laman sa paulit ulit na araw at matigas nang nagsarado
Ngunit bakit hindi pa ako nasanay Ito'y hindi na pala bago—ayan na

Mas nasaktan pa nang madatnan at nalaman ang natagpuan at malamang sa malamang hindi mo na naisip ang aking naramdaman

Ang tanging hiling ko lang noon ay sana ito na nga ang tunay na pag-ibig
Ngunit hindi kaya ito ang tunay na pagkakamali?

Ang pag-ibig na akala mong siyang bubuo sayo ay siya pang nagsabi sayong kulang ka

Hindi naman na siguro ako magtataka
Pero ang tanong ay mananatili paring masakit
Bakit ika'y naghanap padin ng iba?

Kumapit Ka LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon