n a n i w a l a

59 2 0
                                    

"Mahal kita"

Mabilis akong maniwala sa mga bagay na walang basehan

Sa kung paano ako naniwala sa mga dragon, pantasya at mga nilalang na may kapangyarihan

Ang kapangyarihan ng pag-ibig na paniwalaan ang mga kwento nito tulad ng mga pinsipe at prinsesa
At umasa na laging may kayamanan sa dulo ng mapa

Sa kung paano ako naniwalang palaging may panalo sa pag-sugal
At umasa sa swerte nang makilala kita

Sa kung paano ako naniwala sa mga matatamis mong ngiti at nakakakilig na mga tingin
Sa mga salita mo at bawat paguusap natin

Sa kung paano ako naniwala sa mga mahika at kasabihan
Sa tadhana at walang hanggan

Sa kung paano ako naniwala sa akin at sayo
Sa ikaw at sa ako

Sa kung paano ako naniwala sa tayo

At sa kung paano ako naniwala sa mga pangakong

"Ikaw lang"
"Hindi kita bibitawan"
"Walang iwanan"

Sabay ang huli
Ang pinakamasakit na pangako

Sa kung paano ako naniwala sa
"Babalik ako"

At minsan napagtanto ko
Kalokohan lang pala ang lahat ng ito

Mahirap tangapin ang masakit na katotohanan
Pero marahil madalas nating magustuhan ang maayang na mga kasinungaligan

Pinili kong hindi ito paniwalaan
Dahil akala ko ito ay mali
Madalas ko itong itinanggi

Ano nga ba ang basehan?
At sa patuloy na paglaban
Mas lalo lang nahihirapan

Hindi ka na niya mahal—teka mali!

Hindi ka niya MINAHAL!

Iyan ang masakit na katotohanan

Kumapit Ka LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon