Minsan, natatanong ko sa aking sarili, sa aking isipan
Naghahanap ng kahulugan sa walang katapusang katanungan
Ano nga ba ang mundo ko-kumpara sa kalawakan mo?At sa tuwing mga gabing ako'y matutulog na
Bago ipikit ang aking mga mata ay maalala muna kitaMaaalala ko muna ang iyong boses, na tinig nawa'y nakakalamig, nakakapangpakalma
Maaalala ko muna ang iyong mukha, larawan na kahit 'di ako marunong ay gugustuhin kong ipinta
Maaalala ko muna ang iyong mga salita, ang mga markang nagsasabing may magmamahal sa akin ng mas hihigit paAt sa tuwing mga gabing ako ay pauwi ng bahay ko, madadaanan ko muna ang bahay mo
At kahit na napupunan ng mga ilaw ang madilim na lakaran ay tanging bahay mo lang ang makikita kong maliwanag
Na sa tuwing ako ay sisilip muna sa bintana at makikita kita sa kusina
Maalala ko kung paano mo ko tinuruan maglutoMaaalala ko kung paano mo ako pinaniwala na sayo ay walang tatalo
Na ikaw ang saksi kung paano ko pinapahalagahan ang bawat galaw ng paghiwa at bawat pagsubo ng ulam nating adoboAt sa tuwing ako'y papasok na ng bahay ko, bago buksan ang pinto ay uupo muna sa damo
Sabay susulyap sa buwan, sa mga tala sa kalawakanAt maaalala ko kung paano natin itong minsang sabay na pinagmasdan
Na minsan inakala kong nakita kitang kabilang sa mga bituin
Kung paano kong inakala na parehas ang ating nararamdaman
At sabay maaalala ko kung paano ito biglang naging kawalan
At maaalala ko kung paano mo ito binitawanMaaalala ko kung paano mo ako iniwan
Kung paanong inakala kong iisa tayong dalawa ay ako'y nagiisa na lamang talaga
Na kaya pala sinabi mong walang iwanan ay kasi sa una palang hindi ka naman pala sumamaAt pagtapos nang mga alaala, sa pagmulat ng mga mata sa umaga ay hahapin muna kita
Na para bang walang nangyariHangang kailan ako hihiling na ito'y muling maaangkin
Alalahanin mo
Baka sakaling dati ay bumalik din