Nang tayo'y magkita, pinili kong maligaw
Hindi sa takot na masaktan pero sa takot sa mundo
Hindi ko sinasabing hindi ako takot masaktan
Sa kunwaring hindi ko kailangan ng mga tao
Pero ang totoo takot ako sa posibleng magbagoIto nalang ang naiisip kong paraan kaya
Tara magpakaligaw tayoTakbuhan natin ang ingay ng mundo at wag nang isipin ang mga sinasabi ng tao
Dahil minsan ay may mga bagay na kailangan nalang nating hayaan na hindi maintindihanPumunta tayo sa sarili nating mundo
Sa kung saan panaginip at paraiso
Pangarap at kalayaan sa lipunang masikip
At ang pangakong walang hanggan, ating matatagpuanSabay nating takbuhan ang nakaraan
Kalimutan na ang sumusunod na bakas
Dahil ang pag-ibig ay ang pagtuklas ng mga bagong landasSa kabila ng madilim na lakaran
Wag ka nang matakot, normal lang ang masaktan
At kahit sa mga oras na iniisip mong nag-iisa ka
Wag ka nang magalala, sasamahan kita
Mananatili akong nasa tabi mo
At ang mga yakap ang magsasabi sayong ligtas ka sa piling koIto ang akala ko
At biglang dumating sa punto na naglaho na ang daan
Bumigat ang mga paa at hindi na makapaglaan ng lakas, ng oras, ng pagiintindi
Labis napanghihinaan kasi hindi na kita naiintindihanNagpanggap at umasang magiging maayos din ang lahat
Ako ay biktima rin sa ilusyon ng pag-ibigHindi ako naligaw sa paglalakbay
Pero naligaw ako sa salitang "tayo"
Sa "akin ka at sayo ako"
Nalunod tayo sa kalagitnaan
Sana mas hinawakan kita ng mahigpit
Sabi ko hindi kita bibitawan pero sa una palang hindi ka naman pala nakakapitHindi na natin matagpuan
Saan nga ba tayo nagkamali?
Pinili mong magtago
Sana pala mas pinili ko nalang din na hanapin ang sarili koPaano ako makakabalik?
Sa mundo na dapat tayo ang magbabago ay ito pa ang nakapagpabago sayoKaya hangang dito nalang tayo
Nakakapagod din pala lumaban na ako lang mag-isa
Naliligaw, nawawala sa kadilimanNagiisa nanaman sa natigil nating sumpaan
Naghihintay na may muling matagpuan