Nang minsan ay nagkatagpo tayo
Sa mundong puno ng mga estranghero
Pero wala akong sinasabing pag-ibig
Ang sa akin lang ay nandiyan ka
At nandito akoSubalit ganoon parin nagsimula, nagwakas at naglaho
Pagkakataon, pangarap at mga posibleng hinaharap
Ngunit kahit ilang beses ko pang tignan ay malabo—malabo itoKaya pala sa tuwing nagkakalapit tayo ay parang nagkikita lang
Hindi magkakilala
Hindi rin pinagtagpoBakit para bang walang nangyari?
At mabilis mo nalang nakalimutan ang lahatAng akala ko'y isinugo ay dito pa nabigo
Ikaw,
Ako,
Tayo,Tila mga estranghero