Page 2

4 0 0
                                    


Denise POV

Yung mata niya, yung maamo niyang mukha.

Ay grabe! Ang gwapo niya talaga! Kung hindi ko lang sya-----

"Crush mo? "

Biglang naputol yung pag iisip ko kay Patrick ng batuhin ako ng kapirasong tinapay ng classmate kong si Chelsy. Gaga talaga! Panira! Tsk.

"Hindi!" pasigaw kong sagot sabay inom ko ng juice habang nakatingin sa mga nagbabasketball sa court. Medyo malapit kasi dun yung canteen ng school namin. Ganda ng view!

"Weh? Asa!" ngiting aso syang tumingin sa court. "Imposible friend, halos maglaway ka na nga habang tititingnan mo si Patrick! Jusko! Di ka niyan magugustuhan, ang layo mo sakanya! "

Sinamaan ko sya ng tingin. "Sige, idown mo pa ako! Ang sama mo! Unting suporta naman! "

"Alam mo friend balita ko nililigawan niya yung classmate nating si Kara"

"Tapos? "

"Gaga! Edi sumuko ka na sa pangarap mo magkapapa! Di mo gets? Sinabi ko sayong nililigawan niya si Kara para tigilan mo na yang pangarap mo! "

Napasimangot ako sa sinabi niya at nakayukong kinain yung tinapay na dala ko.

"Grabe ka! Alam ko naman imposible niya akong mapansin kaya nga sa malayo ko na lang sya tinitingnan. "

"Ayoko lang naman na-------

"Aray! "

Hindi ko na narinig yung sinabi ni Chelsy ng natamaan ako ng bola sa bandang tenga.

"Friend! Ok ka lang?" tumayo sya at chineck yung left ear ko.

Sinamaan ko sya ng tingin. "Hindi bes. Tinamaan ako e. " poker face kong sabi sa kanya.

"Uhm excuse me?"

Oh my gadddddd. Unti unti akong tumingala, napatulala ako ng makita ko ang maawa mong mukha ni...

"Patrick del rosaryo?! Oh my Gieeee! " napatayo ako at nagtatatalon sa harap niya. Tumigil pa ako sabay hawak sa mukha niya.

"Is this true? " feeling ko slow motion kaming nagtitigan. Grabe ang ganda ng mata niya.

"Hoy gaga! Bitawan mo yung tao!" buong pwersa akong hinila ni Chelsy paalis kay Patrick. Bigla akong natauhan ng nakatingin na samin lahat ng tao sa canteen. Parang gusto kong magtago kaya umatras ako sabay punta sa likod ni chelsy.

"Pasensya ka na sa kaibigan ko Patrick. Medyo may saltik lang to pero naturukan naman sya kanina. "

Palihim kong kinurot si chelsy. Mahina syang dumaing sabay hawak sa kaliwa kong kamay.

"Uhm ok lang." tumingin sya sakin sabay ngiti. "Pasensya ka na kung natamaan ka ng bola kanina. Pwede ko bang makuha na yung bola? "

Tumango ako habang nakangiti. Kinuha ko yung bolang nasa paanan ko sabay unti unti inabot kay Patrick.

"Ito." napakagat labi ako ng maramdaman ko yung dulo ng daliri niya sa kamay ko. Gosh! Kakilig!

"Salamat. Sige alis na ako."

Pag alis ni Patrick. Wala sa sarili akong umupo uli.

"Totoo ba to? Grabe, di ako makapaniwala. "

"Gaga ka! Para kang baliw kanina! "

Ngumuso ako sa harap niya. Maya maya ngumiti ako ng malawak.

"Gagawin ko lahat para mapansin niya ako. "

"Ano? Baliw ka na talaga! "

Desidido akong tumingin kay Chelsy habang hawak ang kamay niya.

"Chelsy, tulungan mo ako ha? "

Siguro nga nababaliw na ako pero gagawin ko lahat para mapansin niya ako.

SilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon