Page 6

2 0 0
                                    

Denise POV

kinabukasan, masaya akong pumasok sa room namin. Gosh im so kilig pa rin. Dahil kay Kara nagkaroon kami ng sweet moment ni Patrick. Hay mag papasalamat talaga ako sakanya.

Lumapit ako sa upuan ni Kara at kinawayan sya. Naguguluhan syang tumingin sakin.

"Uh may kailangan ka ba Denise? "

Ngumiti ako sa kanya at umiling. "Wala, gusto ko lang kumaway sayo. " masigla kong sabi sabay upo na sa upuan ko.

"May saltik ka na naman no? " nakapokerface na bungad sa akin ni Chelsy pag upo ko.

Inirapan ko sya pag lapag ko ng bag ko. "Bitter as always! "

Inirapan niya rin ako sabay hampas sa akin. "Anong nangyari yesterday? Tinanggap ba ni Kara yung gift ni Patrick?"

Tumawa ako ng malakas at nakangiting asong humarap kay Chelsy.

"Chelsy my friend,  gusto kong malaman mong ako ang nag wagi."

"Ha? Baliw ka ba?  Anong sinasabi mo? "

Hinawak hawakan ko yung buhok niya na parang aso sabay bumulong ako sa tenga niya.

"Binigay sakin ni Patrick yung paper bag kasi cute ako. "

Hinampas niya yung ulo ko sabay irap sakin. "Baliw ka ba? Nakadrugs ka ba friend? Ano ngang nangyari?! "

Inayos ko yung buhok ko habang nakasimangot.  Ang sakit a, parang volleyball player tong si Chelsy kong makaspike sa ulo ko.

"Oo na sasabihin ko na!  Hindi tinanggap ni Kara yung gift ni Patrick so syempre binalik ko kay Patrick tapos si Patrick binigay sakin yung gift,  sakin nalang daw. Kilig tuloy ako. Sabi pa niya ang cute ko daw! " tumawa ako at kilig na kilig na yumakap kay Chelsy.

"Gwapo niya talaga friend! "

Inalis niya yung ulo ko sa balikat niya. "Gaga! Umaasa ka lang dyan! "

Hindi ako umimik at ngumiti nalang kay Chelsy.  Ok lang basta happy ako ngayon.

------

"Ano ok na ba to? " hinarap ko kay Chelsy yung banner na ginawa ko.

GO BABY PATRICK! MWA!

umirap sya sakin at inagaw sakin yung banner na gawa ko. "Ano to? Sulat mo na rin kayang patay na patay ka sakanya para direkta na tutal medyo gaga ka na sa part na to. "

Sumimangot ako at inagaw yung banner. " Tara na nga sa court baka mahuli pa tayo sa game nila! "

Hinila ko si Chelsy patayo sa park ng school namin. May basketball game kasi ngayon yung school namin kalaban yung East High. Medyo magaling yun pero syempre mas magaling si Patrick my loves.

Pagdating namin sa court. Tudo cheer agad ako ng mag umpisa na yung laban nila Patrick.

"Go patrick! Kaya mo yannnnn! " nagtatalon kong sigaw habang hawak yung banner.

Tumahimik yung court at nagtinginan sakin yung mga tao.

Narinig ko pang bumulong yung isang estudyante sa East High.

"Ang oa naman ni ate,  first quarter palang kung makasigaw na parang last quarter na! "

Umirap ako dun sa babae at umupo nalang ng tahimik sa tabi.

"Oa ka kasi! " mahinang bulong sakin ni Chelsy.

Hindi ko sya pinansin at nanuod nalang ng tahimik.

Maya maya pinasa ng team mate ni patrick sakanya yung bola tapos tumakbo si Patrick at nag three points.

Wala sa sarili akong napatayo ng nashoot yung bola. "OH MY GOSH PATRICK! I LOVE YOU! " buong lakas kong sigaw.

Napahinto yung paglalaro nila at biglang napatingin sakin si Patrick.

Kumunot yung noo niya ng makilala ako.

Oh my ghad! Patay na ako.

"Lagot.. "




SilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon