Page 7

1 0 0
                                    

Denise POV

Halos mamula ako sa kinauupuan ko dahil sa pag sigaw ko. Jusko lord kunin mo na kaya ako ngayon?  Grabe na talaga yung pagpapahiya ko sa sarili ko.

"Ayan pabida ka na naman! Buti nalang nakamove on na yung mga players sa pag sigaw mo! Tuloy na ulit yung laban,  gaga ka! " sermon sa akin ni Chelsy habang nanunuod sya ng game.

Buong game tahimik na nalang akong nanuod. Kung Pwede nga lang lagyan ko ng tape yung bibig ko para di na ako makasigaw. Pilit na pilit na talaga yung pagtitimpi ko wag sumigaw kapag nakakashoot si Patrick. Kinukurot ko nalang yung sarili ko para matauhan ako.

"Oh my gosh panalo tayo friend! " sigaw ni Chelsy pagkatapos ng game.

"Tara na alis na tayo. " bulong ko sakanya.

"Bakit? Ayaw mo ba lapitan si  Patrick? Congrats mo friend panalo sila diba? " ngiting asong sabi ni Chelsy sabay hila sa akin kung saan nakapwesto sila Patrick.

"Ayoko! Nakakahiya! " umupo ulit ako habang nakayuko.

Kaso sobrang lakas ni Chelsy.  Hinila niya talaga ako hanggang sa makalapit kami sa likod ni Patrick.

"Patri------

"Congrats.. "

Naputol yung pagtawag ni Chelsy kay Patrick ng marinig namin yung boses ni Kara.

Nakaharap sya kay Patrick habang nakangiting inaabot yung bottled water.

Napaatras ako at hinila si Chelsy paalis. "Tara na.. Alis na tayo Chelsy. "

Naglakad na kami ni Chelsy paalis ng court pero parang ayaw magpapigil ni Chelsy hinila niya yung kamay niya kaya napahinto kami sa entrance ng court.

"Ano bang problema mo? Balik tayo dun! Lumapit ka kay Patrick. Congrats mo sya! " seryoso niyang sabi at hinila ulit ako papasok sa loob.

Umiling ako at hinila sya paalis. "Tara na! Ayoko! Kunin na natin yung bag natin sa room! Uwi na tayo! "

"Ano bang problema Denise? Wag ka papatalbog dun kay Kara! Hindi naman niya alam na may gusto ka kay Patrick! "

"May gusto ka kay patrick? "

Napalingon kami sa entrance ng court ng marinig ko yung boses ni Kara.

Nakakunot noo sya habang seryosong nakatingin sakin. "May gusto ka ba kay Patrick, Denise?"

Napalunok ako at sumulyap kay Chelsy. Tumitig lang ito sa akin at tumango.

"Denise kinakausap kita. "

Humarap ako kay Kara at mapait na ngumiti.

"Oo.. May gusto ako kay Patrick. " mahina kong sabi habang nakayuko.

"So totoo nga, akala ko kanina hindi totoo yung pagsigaw mo kanina sa game." lumapit sa akin si Kara at tinaas niya yung baba ko para magtama yung paningin naming dalawa.

"Pero sino bang gusto niya? " nakangiti niyang tanong sakin.

Hindi ako umimik at seryoso lang syang tiningnan.

"Itigil mo na nga yan Kara! " sigaw ni Chelsy,  hinila niya ako palayo kay kara.

"Tara na,  umalis na tayo Denise. "

Nakayuko akong sumunod kay Chelsy. Maglalakad na sana kami paalis nang magsalita si Kara.

"Alam mong ako ang gusto niya. Wag ka ng umasa Denise. "

"Alam ko.. Hindi mo na kailangang sabihin. "

SilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon