Page 5

3 0 0
                                    

Denise POV

"Kara!"

Lumingon ito at lumapit sa akin. Uwian na namin. Medyo masikip sa corridor dahil sa mga estudyante. Tumayo lang ako malapit sa gym ng school namin,  hinintay kong makalapit sakin si Kara.

Bakit kaya ang ganda nito? Kaya siguro gustong gusto ni Patrick,  maganda na mabait pa. Sige na lugi na ako!

"Bakit Denise? " nakangiti niyang tanong sakin.

"uhm may pinabibigay kasi si Patrick sayo. Ito oh. " inabot ko sakanya yung blue na paper bag.

Umiling sya at pilit na ngumiti sa akin. "Ah.. Denise, pwede bang ibalik mo nalang sakanya yan? "

Kunot noo ko sya tiningnan. Problema ni ate girl? Ayaw niya ba? Baliw ba sya? Binigyan na nga sya ng something ng crush ko tapos ayaw niya?

"Bakit? May problema ba dito? " tinaas ko yung paper bag. Umiling sya at ngumiti.

"Ibalik mo nalang sakanya yan Denise,  pakisabi wag na syang magbigay ng kahit ano sakin. " seryoso niyang sabi sabay alis.

"Problema nun? " umiling ako at dumiretso nalang sa court.

"Ibabalik ko na nga lang to kay Patrick. "

Pagdating ko sa court. Mag isa palang dun si Patrick. Nagahoshoot sya sa ring mag isa. Huminto ako sa likod niya at pinanuod muna sya.

Hinagis niya yung bola papasok sa ring kaso hindi yun pumasok,  tumama lang yun sa bakal at dumiretso yung bola papunta sa ulo ko.

"Aray... " paulit ulit nalang to nangyayari.

Nagulat si Patrick sa pagdaing ko. Humarap sya sa akin at lumapit. "Denise! Ayos ka lang ba? "

"Ayos lang,  medyo masakit lang. " natatawa kong sabi.

"Sorry,  hindi ko kasi alam na nandyan ka. " natatawa niyang sabi sabay alalay sakin paupo sa bench.

"Ano palang ginagawa mo dito? " tanong niya.

Inabot ko sakanya yung paper bag na blue. "Hindi niya tinanggap. Sabi pa niya wag mo na daw syang bigyan ng kahit ano. "

Mapait syang ngumiti sabay kuha ng paper bag. "Ganon ba? Hmm..  Mukhang hindi niya nagustuhan yung binigay ko. Ayos lang, salamat pala sa pagbigay sakin nito. "

Tumango ako at tumayo sa harap ni Patrick. "Ok lang yan! Wag kang malungkot patrick! Next time na bigyan mo sya damihan mo para di na niya maibalik sayo! "

Tumawa nalang malakas si Patrick sa sinabi ko. "Tama, next time marami ibibigay ko para di niya na masauli. " kinuha niya yung paper bag at inabot sa akin.

"Sayo nalang to."

"Ha? " naguguluhan kong inabot yung paper bag.

"Mukhang bagay sayo yan. " nakangiti niyang hinawakan ang ulo ko at sabay ginulo.

"Ang cute mo pala Denise.. "

Tumitig sya sa akin habang nakangiti. Hindi ko na pigilang mamula sa sinabi niya.

"Namumula ka ba? " kumunot ang noo niya at hinawakan yung kaliwa kong pisngi.

"H-Ha? Hindi a! " inalis ko yung kanay niya sa pisngi ko at lumayo sa kanya.

"Sige alis na ako! " naglakad ako paatras.

Jusko po baka mahalata pa nitong may gusto ako sakanya. May malisya pa naman yung pag titig ko sakanya.

"Ingat ka Denise! "

Jusko lord,  patay na patay na yata ako sakanya!

SilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon