Page 9

2 0 0
                                    

Denise POV

Para yatang sinapak ako ni Patrick sa sinabi niya. Mahal niya na daw si Kara? Parang gusto ko yatang umiyak sa harap niya.

"Gusto mong tulungan kitang makuha si Kara? " seryoso kong tanong kay Patrick.

Baliw ba to? Hindi ko yata kaya yung gustong ipagawa sakin ni Patrick.

"Denise, please tulungan mo ako. " hinawakan niya yung kamay ko at ngumiti sakin.

"Tutulungan mo naman ako diba? " nakatitig niyang sabi habang hawak yung kaliwa kong pisngi.

Huminga ako ng malalim at tumango. " Syempre naman! Malakas ka sakin e. " pilit akong ngumiti sakanya.

"Thank you Denise! " tuwang tuwa syang yumakap sa akin.

Kinagat ko yung ibabang labi ko para mapigilan ko yung lagtulo ng luha ko. Grabe.. Sobrang tanga ko. Akalain mo yung magiging tulay ako ng taong gusto ko para magkatuluyan sila ng taong gusto niya.

Kumalas na ako sa yakap sa akin ni Patrick at tumayo na. "Uhm sige alis na ako. Late na kasi ako sa next class ko.."

Hindi ko na hinintay magsalita si Patrick at tumalikod na.

"Gaga ka.." mahinang bulong ko sa sarili ko habang naglalakad ako pabalik sa room.

"Siraulo ka ba?  Anong trip mo? Bayani ka na ngayon? Bakit hindi mo nalang aminin sa kanya na hindi mo kayang tulungan sya kasi mahal mo sya?! Denise bakit hindi ka nag iisip!" napaupo ako sa gitna ng corridor at yumuko.

"Tanga tanga ka!" hinampas ko yung sarili ko habang umiiyak. "Gaga ka! " humihikbi kong sigaw habang nakayuko pa rin.

Anong gagawin ko ngayon? Kakayanin ko bang tulungan si Patrick kay Kara?

Huminga ako ng malalim at pinunasan na yung basa kong pisngi. Humihikbi ako tumayo at inayos yung palda ko.

"Kaya mo yan. Kailangan mo lang magpanggap na masaya ka para sakanya. "

Kaya mo yan Denise.  Pagkatapos nun pwede ka ng umiwas. Kaya mo yan! Tanggapin mo ng hindi ka niya gusto.

"Si Kara yung gusto niya, ang pinakamaganda ko nalang na magagawa para kay Patrick,  tulungan syang magkatuluyan sila. "


SilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon